Chapter 24: Moments

1.2K 48 0
                                    

Pyra Garcia's Point of View


"Hon, tara labas muna tayo" yaya ko kay james. Kami nalang kasing dalawa ang nandito , yung iba nasa labas na.

"Mamaya na hon, pagod pa ako eh" sabi nya habang naka-higa sa lap ko. Napagod siguro 'to kahapon, mag-hapon kasi kaming nag-swimming. Pool tapos lilipat sa dagat hahaha lakas trip nga namin kahapon eh.

"Hmp. Sige na please? duon ka nalang humiga. Ang boring dito eh" pangungulit ko pa. "Please ?"

"Okay , okay. Pasalamat ka mahal kita" sabi nya at umayos na ng upo. "Tara na hon" sabi nya at hinila na ako palabas.

Pumunta kami sa may beach kung nasaan yung iba. Tapos , umupo kami sa may white sand at humiga nanaman sya sa lap ko. Pagod na pagod siguro.

Pinag-masdan ko nalang yung paligid pati yung mga kaibigan namin.

Si Maika at lucas , naka-upo din sa buhangin pero medyo malayo saamin tapos nag-susubuan sila ng ubas. Pa-sweet -.-

Si Rosette at Tristan din, naka-upo sa may buhangin na sa may bandang likuran nila maika. Nag-aaway nanaman. Paano kasi si rosette, laging hawak yung cellphone at laro ng laro. Ito namang si tristan , nagseselos kesho wala na daw time si rosette sakanya eh hindi pa naman sila. Hindi pa kasi sya sinasagot ni rosette, pabebe pa hahahaha.

Si Maui at gavin naman , ayun nag-hahabulan sa dagat na kala mo mga bata. Okay na nga pala sila, pero no hindi pa sila. I mean, nagkaka-mabutihan palang. Kasi nga diba, mutual understanding hahaha. Ang sabi ni maui, hindi pa daw nagtatanong si gavin sakanya. Inis na inis na nga si maui kasi ang tagal daw magtanong ni gavin eh sasagutin din naman daw nya agad. Taglandi lang hahaha.

Si Ruth at Evan, ganun din naghahabulan din sa dagat pero hindi dahil nag-lalaro , naglalambingan o ano. Kundi dahil gustong sapakin ni ruth si evan. Paano ko nalaman? naka-yukom kasi yung kamay ni ruth at inis ang mukha. For sure, kinukulit nanaman sya ni evan. Pabebe din kasi eh, kunwari ayaw kay evan gusto rin naman. Oo, kahit boyish yang si ruth, pusong babae parin yan 'no.

At ang huli, ang bagong magka-relasyon. Ayun, naglalakbay kung saan-saan. Natanaw ko kasi silang dalawa, naglalakad papunta kung saan na mag-kaholing hands may pasway-sway pa hahaha.

At ito kami ni james , naka-upo at sya tulog at ako nga-nga. 'Di bale, okay lang sakin at least kasama ko si james.

Maika Cruz's Point of View

"Iiih, hindi ko tuloy na-salo. Ang bilis mo kasing ihagis eh" ang daya nitong si sweety,biglaan kung maghagis ng ubas hindi ko tuloy masalo.

"It's okay sweety, marami pa namang ubas dito oh. Bilis , pag hindi mo 'to na-salo maggi-girlfriend ko ng isa sige ka"

"Aba, anong sinabi mo ? gagawin mo yun ha? pwes, kung gagawin mo yun magboboyfriend ko ng sampu" Ha, sino tinakot nya ? sa ganda kong 'to, isang ngiti ko lang sa lalaki hahabulin na ako.

"Joke lang sweety, masyado ka namang hot eh" sabi nya at niyakap ako.

"Of course, hot talaga ako. Kaya nga ang init eh, kasi nandito ako"

"Sweety, nag-jojoke ka ba ? sabihin mo lang para alam ko kung tatawa ako"

"Anong sinabi mo ?!!!"

"Wala, sabi ko subuan na ulit kita ng ubas" sabi nya . Bwisit na 'to , kala nya hindi ko narinig yung sinabi nya. Tss.

"Ayoko na. Nawala na ako sa mood" sabi ko at tinarayan sya.

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon