Sabrina Santiago's Point of View
Tapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili para sa pag-pasok.
Grabe , pagod na pagod pa rin ako. Paano ba naman kasi, nung saturday ako lang ang nag-linis ng buong kwarto ko. Remember, nagparty-party kami hanggang umaga. Pagkatapos ng party-party, nagsi-uwian ang mga baliw at kami lang ni aiden ang naiwan. At kung inaakala nyong tinulungan ako ni aiden, well nagkakamali kayo. Tinulugan lang naman nya ako at dahil likas na makapal ang mukha nya , sa kama ko pa talaga natulog. At kahapon, linggo. Nag-aya ang mag baliw mag-mall. 10 ng umaga kami umalis at 10 ng gabi kami naka-uwi . At hindi pa duon natatapos , pag-uwi namin galing mall, diretso kami sa BAHAY NANAMAN at nagMOVIE MARATHON lang naman kami at 4 lang naman ng madaling araw kami natapos at sila umuwi. At ngayon , 7 na ng umaga at may pasok. Imagine , ilang oras lang tulog namin tapos pagod pa ako, buset.
Bumaba na ako at nakita ko agad si aiden.
"Let's go ?" naka-ngiting sabi ni aiden. Ngumiti din ako at lumabas na kami at sumakay sa sasakyan nya at umalis papuntang school.
Narating namin yung school at dumiretso agad sa room. Pagdating namin, nandun na din silang lahat at sila pyra, mga naka-ub-ob sa lamesa nila. Malamang , mga puyat din.
Umupo na din ako sa upuan ko at umub-ob din.
Naramdaman kong may tumabi saakin pero hindi ko na ito tinignan.
"asawa ko, are you okay? " si aiden pala.
"I'm just tired." sabi ko ng hindi lumilingon.
"Hahaha ! You're really look tired" tatawa-tawa nyang sabi.
"Anong nakakatawa?"inis na inangat ko yung ulo ko at masama syang tinignan.
"hahahaha ! Nakakatakot ka!" ano bang problema nito ? >.<
"Isa aiden, wala ako sa mood" banta ko sakanya.
"Wala ka naman talaga sa mood, nasa room ka !" sabi pa nya at tumawa pa.
"Waa~ Aiden naman eeeeh " sabi ko at nagpapapadyak.
"Hahahaha ! So cute" sabi nya at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Aiden" sabi ko in a serious tone.
"Hahahaha ! Okay, fine. I'm sorry. I was just trying to make you smile" he said.
"Tsk, thanks but it's not helping ."
"Psh, salamat ka mahal kita kundi nasapak na kita"
"Tsk, oo nalang" sabi ko nalang at saka muling ububob.
Ilang minuto lang ay dumating na yung teacher namin. Ayun, nag-discuss lang . Hanggang sa sumunod na oras , puro discussion lang ang nangyari at ngayon recess na.
"Haaaay~" sabi ni maui habang nag-uunat .
Nagsitayuan na kaming lahat at saka lumabas sa classroom.
Narating namin yung canteen , ang pinagtataka namin eh kung baket parang may pinaglilibutan sila.
"Anong meron ?" tanong ni mau.
"Aba mala'y , magkakasama kaya tayo" sagot sakanya ni rosette.
"Psh. Tara nga tignan natin" sabi ni maui at saka sumiksik sa mga nagkukumpulang mga istudyante.
Hinayaan nalang namin sya at naghintay sa kinatatayuan namin.
"OMG Guys, hindi ko inakalang may mas gaganda pa pala sa beauty ko" sabi nya pagbalik nya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...