Chapter 23: Will You Be My Girlfriend ? (Part 1)

1.3K 48 2
                                    

"Babe , gising na" Napamulat ako ng mata.

Tumingin ako sa paligid at umaga na pala.

Nandito na nga pala kami sa Baguio , actually kahapon pa. Pagdating kasi namin dito sa baguio , natulog lahat kami dahil pagod kami at mga puyat .

"Te-teka, asan na sila ?" tanong ko. Wala na kasing tao dito sa kwarto, kwarto naming mga babae. Kami nalang ni aiden ang nandito.

"Nasa baba na silang lahat , nagpepre-pare ng breakfast" sabi nya .

"Ah anong oras na ba ?" tanong ko pa.

"7 am"

"Ah , ang aga papala. Pwedeng matulog muna ?"

"No. Mamamasyal tayo"

"Eh? ang aga-aga pa kaya "

"Mas maaga mas maganda , para maraming mapasyalan"

"2 weeks naman tayo dito eh"

"Babe , matulog ka nalang pag-balik natin . Tara na sa baba"

"Teka , hihilamos lang ako. " sabi ko at tumakbo sa c.r dito sa loob ng kwarto.

"Tara" sabi ko paglabas ko ng c.r kaso si aiden , ayun tulog sa kama. Sus, ako bawal matulog sya pwede ? daya.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at tinitigan sya.

Sht, ang gwapo talaga nya kahit anong anggulo. Ang haba ng pilik mata , ang tangos ng ilong , maninipis at mapupulang labi. Sexy body SHT sinong hindi maiinlove diba ?

"Sab -- HOY SABRINA ! ANO YANG GINAGAWA MO HA ?" napa-upo ako sa gulat dahil kay maika.

"Ha-ha ? ba-baket ? wa-wala naman akong ginagawa ha"

"Anong wala ? nahuli kita, hahalikan mo si aiden"

"Ano ? Hoy--"

"Eh ano naman ngayon kung i-kikiss nya ako ? ako naman ang i-kikiss nya diba at hindi ikaw ? saka baket kayo ni lucas ? pag ba nag-kikiss kayo nagagalit si sab ? hindi naman diba? Kaya , bumaba kana . Susunod na kami" sabi ng nakapikit na si aiden. Wala namang nagawa si maika kundi bumaba.

"Babe, tuloy na" sabi nya habang naka-higa parin. "Isipin mo , walang nangyari. Isipin mo , tulog ako"

"A-anong-- tara na nga" sabi ko at iniwan sya. Narinig ko namang tinawag nya ako pero hindi ko sya pinansin.

"Ang daya mo" muntikan na akong atakihin sa puso ng bigla syang sumulpot sa tabi ko at inakbayan ako.

"Pwede ba ? ts"

"Hoy sabrina , ano yung nalaman namin ha? " tanong ni pyra pag-kababang pagkababa ko.

"Oo nga. Oo, alam naming patay na patay ka kay aiden pero hindi mo manlang ba inisip na babae ka ? ikaw pa 'tong hahalik sakanya? mahiya ka naman" sabi naman ni maui.

"Teka nga , nakita nyo ba yung pang-yayari ha ? hindi naman diba? Mali ang nakita ni maika. Oo , aaminin ko nakatitig ako sa gwapong-- hindi sa mukha ni aiden, pero hindi ko sya hinalikan o hahalikan. Ang dudumi ng isip nyo"

"Totoo ?" tanong nila.

"Mukha ba akong nag-sisinungaling ? tsk. "sabi ko at umupo na . Ganun din sila.

"Thank you"napatingin ako sa katabi ko.

"Para saan naman ?"

"Kasi sabi mo , gwapo ako"

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon