Maika Cruz's Point of View
"HAHAHAHAHA" Tawa naming lahat , except kay aiden. si james , ayun nakikitawa narin. Pati si rosette at si ruth.
Nandito kami ngayon sa bahay nila aiden. At alam nyo ba kung baket kami nandito?
"So anong next plan?" tanong ni tristan.
Yap, nagpaplano kami. Alam nyo ba kung kanino ?
"Hahaha ang epic kaya ng mukha ni jayden kanina !"tatawa-tawang sabi ni gavin.
Tama, kay jayden. Plano kasi naming inisin sya ng makita ni sab ang totoo nyang ugali.
Sinabi saamin ni aiden ang mga ayaw ni jayden dahil nga magpinsan sila.
Marami kaming nalaman , tulad ng :
*Ayaw na ayaw nyang nadudumihan ang uniform o kahit anong damit nya.
*Ayaw na ayaw nyang nababangga sya.
*Ayaw na ayaw nyang natatapakan yung sapatos nya.
*Ayaw na ayaw nyang nagliligpit ng pinagkainan.
*Ayaw na ayaw nyang inuutusan sya. Spoiled kumbaga.
*Ayaw nya sa daga.
*Ayaw nya sa butiki.
*Ayaw nya sa aso which is mahal ni sab.
*Ayaw nya sa caramel flavor which is favorite daw ni aiden.
ang huli ay *Ayaw nya sa strawberry flavor. Nako, yari sya kay sab.
Marami pa syang ayaw pero yan lang ang madaling gawin .
At oo nga pala, kami nga pala yung mga istudyanteng nambwisit kila jayden kanina sa mall hahaha. Bumili pa kami ng mask para lang hindi kami makilala nila sab 'no at buti nalang successful ang plano namin.
"So, ano ang next plan ?" tanong ni evan.
"Hmmm, what if bigyan natin ng gift box si sabi na ang laman ay daga ? Tapos sabihin natin na ibigay nya kay jayden dahil favorite nya yun ?"suggest ni gavin.
"Oo nga tama, pero paano kung tanungin ni sabi kung ano yun at paano natin nalaman?" tanong ni maui.
"Edi, sabihin nating favorite na laruan yun at tinanong natin kay aiden"sabi naman ni lucas.
"Laruan? parang nag corny"sabi ko.
"Alam ko na. Baket hindi tayo mag-utos sa isang ka-schoolmate natin na ibigay kay jayden yung box na may lamang daga? tapos ang ipasabi natin ay galing kay sab. Para magalit sya kay sab at para umamin na din syang hindi sya ang totoong denden. "suggest ni ruth. Nasabi ko bang , close na kaming lahat ? i mean araw araw kasi nandito kami kila aiden at hindi iyon alam ni sab. Nagpaplano kasi kami kung paano namin aasarin si jayden.
"Pwede, yun nalang ?" tanong ni evan. Sus, alam nyo bang may crush sya kay ruth? Hindi man halata, pero oo. Umamin sya saaming dalawa ni pyra na gusto daw nya si ruth. Ang sabi nya , maganda daw si ruth kaso tomboy. Kaya sabi nya, ayusan daw namin si ruth para lalong gumanda. Syempre umoo agad kami no. Para naman mailabas yung tunay na ganda nya. Kaso , mahirap yun hahaha.
"Sige yun nalang"sabi ko.
"Yan, so may plan A na tayo. Plan B naman." sabi naman ni maui.
"Butiki naman. Paano kaya ?" tanong ni tristan.
"Bumili tayo ng laruang butiki. Tapos , sabihin natin kay sab na hindi tayo makakasabay sakanya kumain kaya for sure sasabay sya kay jayden. Tapos , ilagay natin yung laruang butiki sa anumang kakainin ni jayden." napatingin kami kay rosette. Kahit kasi close na kaming lahat , bihira parin syang magsalita. Kaya ngayon , nagulat kami. Mukhang nagugustuhan nya ang ginagawa namin at mukhang ayaw nya din kay jayden.
"Tama , pwede yun"sabi ni tristan.
"Ayos, may plan A at B na. C naman "sabi naman ni ruth.
"Pwede ba ang aso sa school?" tanong ni pyra.
"hindi eh" sabi ni james . At alam nyo din bang itong dalawang 'to ay mukhang nagkakamabutihan ? simula sa sweet garden yan eh. Siguro yung nag-usap sila sa puno nun, hindi namin alam kung ano ang napag-usapan nila nun eh. Ayaw nilang sabihin.
"Alam ko na, uwian. Tama uwian. Sabihin nating hindi tayo makakasabay kay sab dahil may kanya kanya tayong lakad tapos yung gulong ng sasakyan ni sab butasin natin para hindi nya magamit at dahil dun makikisabay sya kay jayden. Tapos , ipapadala ko si archie yung aso ni sab na shih tzu sa yaya nya bago mag-uwian tapos kukuhain ko at ibibigay ko kay sab ang sasabihin ko nakita ko sa daan at syempre dadalhin nya yun tapos yun nga makikisabay sya kay jayden at dahil ayaw ni jayden sa aso, hindi sya papayag na sumabay si sab sakanya at dahil butas ang gulong ng kotse ni sab hindi sya makaka-uwi, tapos biglang darating si aiden at pasasabayin sya." sabi ni pyra.
"Good Idea. May use na si aiden" sabi ni gavin.
"Okay , plan A B and C meron na. " sabi ni maui.
"Plan D. Ganto , sa friday. Diba sa friday , ang sabi wala tayong klase nun? dahil may meeting pero kailangan natin pumasok ? Maglalaro tayo ng habulan. Tapos pag nakita nyo si jayden, ilapit nyo duon si sab at merong isang tutulak kay sab kay jayden. Syempre magagalit si jayden dahil nga ayaw na ayaw nyang nababangga sya tapos itong si sabrina magugulat at baka masaktan o kaya ay magagalit din sya kay jayden diba. " suggest naman james.
"Ayos. Plan A B C and D meron na " sabi naman ni gavin.
"Plan E. Sa canteen. Pag nakita nyong naka-upo si jayden at nakalabas ang paa, merong isa saatin ang kunwaring hindi sinasadya na natapakan ang sapatos nya. Syempre nanduon si sab it's either kasama natin o kasama ni jayden. Tapos syempre magagalit si jayden saatin at siguro naman ay ipagtatanggol tayo ni sab diba? dahil dun, mag-aaway sila." suggest ni maui.
"Oo okay. Plan A B C D and E meron na , next F na" sabi ko.
"Imbitahin natin si jayden dito. Kunwari, magmomovie marathon tayo dito. Tapos syempre kailangan ng pag-kain, tapos uutusan natin si jayden na bumili ng pagkain at dahil nga ayaw nya syempre magugulat si sabrina tapos si sabrina na lang ang uutusan natin tapos itong si aiden magsusuggest na sasamahan sya edi magiging malapit pa sila sa isa't isa." suggest ni evan.
"Okay na . Plan A B C D E and F okay na . Ano next ?" tanong ni pyra.
"Last G. Ganto , same day parin sa araw na magmomovie marathon tayo. Syempre diba ,kakain tayo kaya kailangan lilinisin. Uutusan natin si sabrina na magligpit tapos merong isa saatin ang magsasabi kay jayden na tulungan si sabrina At dahil ayaw na ayaw ni jayden ang nagliligpit hindi nya tutulungan si sab. Tapos itong si aiden , tutulungan si sabrina sa pagliligpit . Edi tapos" sabi ni gavin.
"Okay Okay na. Tapos na tayo . Meron ng A B C D E F and G plan. Dapat , maayos at malinis ang pagkakagawa natin ah ? simula bukas na 'to" sabi ko.
"Okay . Magready talaga yang si jayden. Sya na mismo ang aamin na hindi sya ang totoong denden hahaha" sabi ni tristan.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...