Chapter 15: Plan C

1K 54 0
                                    

Maui Mendez's Point of View

"Sab, hindi kami makakasabay umuwi ah? may lakad kasi kami" sabi ni pyra kay sab.

"Ha? saan lakad nyo?"tanong ni sab.

"Ako, may pinabibili saakin si mommy sa mall. Hindi ko lang alam sakanila"sabi pa ni pyra.

"May hang-out kami ng elementay friends ko eh" si maika.

"Ako? pupunta kasi yung mga pinsan ko sa bahay, kailangan ng taga-bantay" sabi ko. jusko, never akong magbabantay ng mga bata 'no. Mas makulit pa ako sakanila.

"Drag Racing" sagot ni ruth.

"Family Hang-out " sabi naman ni rosette.

"Ah ganon ? sige , okay lang .Tara na sa parking lot?" yaya nya.

Lumabas na kami sa classroom at pumunta sa parking lot.

"Ah wait lang ah? may pupuntahan lang ako saglit , mauna na kayo sa parking lot." paalam ni pyra. Pupunta kasi sya entrance ng school kung nasaan yung yaya ni sab na dala si archie- yung aso ni sab.

Narating namin yung parking lot at agad na din kaming umalis at iniwan si Sab sa parking lot. Per ang totoo, pinarada lang namin yung kotse namin sa labas at pumasok ulit. Tapos nagtago kaming apat sa likod ng isang kotse dito sa parking lot na katabi lang ng kotse ni sab.

Nakita naming pumunta si sab sa gilid ng kotse nya at napapadyak sa inis dahil nga butas ang gulong nya. Tapos saktong dating naman si pyra na dala -dala si archie.

"Sab, si archie oh? nakita ko sa labas" sabi ni pyra.

"Teka, ano? paano — Aish. Akin na nga" sabi nya at kinuha si archie. "Ikaw na bata ka , baket lumabas ka ng bahay ah? tignan mo , naka-pampers ka pa. Hindi ka manlang nagbihis , baliw ka talaga" sabi nya kay archie -.- baka sya ang baliw.

"Ah sab ? una na ako ah? bye" paalam ni pyra. Mahirap na , baka makisabay pa sya kay pyra hahaha.

"Ah sige, ingat" sabi ni sab na mukha atang nakalimutang plat ang gulong nya.

Ilang minuto lang ay nandito na rin si pyra , dito sa likod ng kotseng tinataguan namin. Alam nyo ba kung kanino 'to? syempre hindi hahaha. Kay aiden 'to , oo kay aiden. Talagang tinabi nya sa kotse ni sab 'no? hahaha. Saka buti na nga lang dito nya pinark dahil kung hindi , wala kaming tataguan.

"Aish, oo nga pala plat yung gulong ko. Hindi tuloy ako nakasabay ka pyra, ikaw kasi eh" sabi nya kay archie. Baliw na ang bruha.

"Ah teka, tama si denden" sabi nya at nilabas yung phone nya.

Nga pala , okay na ulet sila . Tsk, ang bilis eh 'no? sorry daw ng sorry si jayden kay sab sa inakto nya.Ito namang si sab , okay lang daw tsk.

Ilang minuto ang lumipas, nakita naming nilagay ni sab si archie sa bag. Sa lagayan ng aso. Pero hindi kita si archie,kaya hindi mo aakalaing aso ang laman nun.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makita naming tumatakbo palapit si jayden.

"Let's go?" tanong nya kay sab.

"Tara" sabi naman ni sab.

Naglakad sila sa kabilang gilid nitong parking lot, kaya kami naghanap nanaman ng matataguan na malapit sakanila. At syempre , nakahanap kami .

Sumakay na silang dalawa at nagbilang kaming lima dito.

"1" sabi ko.

"2" sabi naman ni maika.

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon