"Anak, mali ang sinabi mo. Sige ka magtatampo ang Mommy mo sayo." Sermon sa akin ni Daddy. Nandito kami sa isang restaurant.
"Daddy, wala ka kasi duon ng iniinsulto niya ikaw."
"Arissa, listen to me. Ako naman talaga ang may mali. Kasalanan ko kung bakit galit at nangibang bansa ang Mommy mo. Siguro hindi niya nakayanan ang hirap natin nuon. Kasi hindi naman iyon ang ipinangako ko sa kanya bago kami ikinasal. Hindi sapat ang kinikita ko sa trabaho para sa araw-araw nating pangangailangan."
"Hindi yun sapat para iwanan niya tayo." I rolled my eyes.
"Anak, bumalik siya para say-" I cut him.
"Para sa akin lang naman siya bumalik hindi sayo. Hindi lang ako ang iniwan niya ikaw rin."
"Hindi ko naman hinihiling na bumalik siya sa akin. Kasi ang priority namin sa simula't sapol ay ikaw. Kaya ko naman ang sarili ko. Tignan mo parehas kaming nagtrabaho pero ibang pamamaraan. Ako, dito sa Pilipinas wala akong pinalalagpas na trabaho para sa atin. Ang Mommy mo naman ay nangibang bansa."
"Daddy, can you please stop defending Mommy to me. You're not her lawyer!" Sigaw ko. Kanina ko pa napapansin na pinagtatanggol niya si Mommy sa akin.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...