Arrissa's PoV (as usual XD)
"Aming bahay, ang aming bati. Merry--"
"Tsk. Patawad!!" Sigaw ko. I rolled my eyes. Bakit pa kasi ako ang inutusan ni Mommy na magsalita sa mga batang to. Wala kasi yung mga helpers at guard namin, isa lang ang natira. Tumutulong kay Mommy sa paghahanda ng pagkain. Pinag-christmas break nila Mommy lahat.
Binuksan ko ng konti ang pinto ng gate. Sumilip ako sa kanila. Hindi na ako lumabas at tinago ko ang katawan ko sa pinto ng gate at nakalabas lang ang ulo ko.
"Na naman?" Bulong nung bata.
"Kahapon, ganyan rin sinabi nila eh." Reklamo pa nung isa.
"Wala kaming coins eh. Sa Pasko na lang."
"Bukas na po yung Pasko, Ate."
"Kaya nga, so bukas ko na lang kayo bibigyan. Saka hindi ako ang may-ari ng bahay na to."
"Wala po ba kayong papel na pera?"
"Wala akong dala. Sige na. Bukas na lang at pag bukas pumunta kayo. Bibigyan ko kayo ng 200 pesos."
"Talaga po?!"
"Oo nga. Kaya sa iba na lang muna kayo mag-caroling. Busy kasi ang mga tao dito kaya bukas na lang. Promise."
"Weh. Baka taguan niyo po kami bukas."
"Psh. Ang bata mo pa, sumasagot ka na. Oo nga, nag-promise ako diba??? At pag pag-promise ako, ginagawa ko iyon."
"Sige po. Aalis na kami. Kita na lang po tayo bukas. Merry Christmas po!!"
"Okay! Merry Christmas din." Pinanood ko naman sila tumakbo papaalis ng Mansion ni Mommy at kinuha ang isang carboard at marker. Pinagpagan ko ang konting dumi sa cardboard dahil nakalapag ito sa semento kanina. Nilagyan ko ito ng 'PATAWAD'(Capslock para intense hahaha). Nilagyan ko pa ito na bumalik na lang bukas at kinawit sa maliit na pinto ng napakalaking gate ng Mansion ni Mommy.
Nagsawa na kasi ko ng kakalabas para sabihing patawad sa mga batang nanganga-roling, nakaka-awa naman kung pababayaan lang mawalan sila ng boses kaka-sigaw. Wala na kasing coins ang mga tao sa Mansion including me. Naubos na kanina pa, para sa mga bata. Sinarado ko ng ang pinto at naglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may kumatok. Aish. Ang kulit talaga. Hindi ba nila nabasa ang nakalagay sa cardboard. Padabog ko naman itong binuksan.
"Hindi niyo ba binasa ang nakalagay sa pinto?!" Nakasigaw na tanong ko.
"Surprise!! Merry Christmas, Arrissa!!" Naka-sigaw rin nilang bati. Nilibot ko naman ang mata ko sa mga kaibigan ko. Kumpleto silang lahat na naka-ngiti. Simulan mo kay Vivian, Adrialyn, Clara, Min, Patty, Gin, Jason at syempre pag najan ang zookeeper-este si Jason, automatic na najan ang unggoy-ay este si Matthew.
"Ay high blood."
"Scary! Rawr!"
"Psh. Kanina ko pa kayo hinihintay. Hindi man lang kayo nag-text at tumawag."
"Duh. Girl, lahat po kami nag-text at tumawag. Wala ka ni isang sigaot sa amin." Sabi ni Adrialyn. Pinasok ko naman ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng jeans ko para hanapin ang Phone ko.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...