"Henry, kain ng kain ha?" Naka-ngiti ko'ng sabi sa kanya.
"Opo, Ate."
"Matthew, kumain ka na." Sabi ko sa Unggoy na kaharap ko. Hindi niya kasi ginagalaw ang pagkain na kinuha niya. Nakasimangot na naka-tingin lang sa amin.
Si Henry kasi ang pinakinggan ko kanina. Malay ko ba na isip-bata si Matthew at sineryoso ang hindi pagpili ko sa kanya kanina.
"Tsk. Hindi ako kakain hanggat hindi mo ako pinili." Naka-simangot pa rin ito. Tinawanan ko lang ang pagta-tantrums niya.
"Next time." Simpleng sagot ko, lumiwanag naman ang mukha niya.
"Really?!" Nanlalaki'ng mata nitong tanong. Simple'ng tango lang ang sinagot ko. Umayos ito ng upo at kumain na.
----
"Henry, paano ka ba uuwi? Saan ba ang bahay mo." Malapit ng mag- 4 O'clock. Wala daw kaming klase kasi wala daw si Ms. Callug, bigla na lang daw nawala.
"Kakausapin ko lang po--"
"Henry?!" Sigaw ni Ms. Callug. What the. Si Ms. Callug, kilala si Henry.
"Mommy?" Sabi ni Henry. Mommy?! Parehas napa-kunot ang noo namin Matthew ng marinig naming tawagin ni Henry na Mommy si Ms. Callug
"Baby!" Maluha-luhang tumakbo si Ms. Callug papunta sa amin. Yinakap niya naman ka-agad si Henry.
"Baby naman eh. Sabi ko sayo wag kang tatakas kay Grandma mo. Aatakihin kami sa puso sa paghahanap sa iyo."
"Sorry po, Mommy. Kinausap ko lang po yung Guard dun sa backgate tapos po pinapasok niya po ako. Naalala ko po ng dinala niyo po ako dati dito. Pumunta po tayo sa practice room ng Archery, sa room niyo po, and yung office po ni Tito Dean." Kwento ni Henry sa Mommy niya.
"Eh kung na-kidnap na ng mga bad guys?"
"My naman eh. Syempre najan po yung bow ko, ni-tatarget ko lang po sila ng ganun!" Kunyari niya pang tinarget si Matthew. Binelatan lang siya ni Matthew at syempre hindi magpapatalo ang bata, binelatan rin siya bilang ganti.
"Umh. Ms. Callug, hehe okay na po ba kayo?" Awkward na tanong ni Matthew.
"Maraming salamat talaga, Arrissa and Matthew." Pagpa-pasalamat ni Ms. Callug.
"Anak siya ni Sir. Hendrix?" Tanong ko, nag-panic naman si Ms. Nag-gesture siya na tumahimik ako at itinuro sa Henry.
"Hindi niya pa alam eh."
"Bakit?"
"Mamaya na lang. Pwede favor?"
----
"Talaga?! Anak siya ni Sir. Hendrix?" Sigaw na tanong ni Clara.
"Wag kang maingay." Saway sa kanya ni Patty.
"Oo anak siya ni Hendrix." Mahinang sagot ni Ms. Callug. Pinapatulog niya kasi si Henry. Nagpa-tulong sa akin si Miss na kung pwede daw dito na lang muna makitulog si Henry. Isang gabi lang daw kasi delikado na daw pag-uuwi pa si Henry ngayon.
"Miss, hindi naman nakapagtataka na anak iyan ni Sir. Hendrix." Singit ni Vivian.
"Wait lang, guys. Tumatawag si Gin, lalabas lang ako ha. Saglit lang ito, promise." Pagpapaalam ni Clara.
"Kahit matagal, okay lang." Pang-aasar ni Patty.
"Oo nga wag ka ng bumalik."
"Isiksik mo ang sarili mo kay Gin."
"Sino si Gin?" Tanong ni Miss.
"Yung kaklase ko, Miss."
"Talaga? Eh High School pa lang yon diba?"
"Mahabang kwento."
"Eh Miss, bakit dito niyo pinatulog si Henry. Sorry kung rude ha." Tanong ni Min.
"Hindi kasi siya pwede sa Dorm ng mga Teachers, baka mag-taka sila na may dala akong bata na kamukhang-kamukha ni Hendrix. Tsaka may sumusunod rin sa akin eh. Nagpapadala pala ng Private Detective si Hendris para sundan at alam pa rin niya ang nangyayari sa akin dito sa University."
"Paano mo naman nalaman na nagpapadala aiya ng Private Detective?"
"Nadulas lang si Mrs. Principal. Nag-usap kasi kami last year, nasabi niya sa akin na may Private Detective dito." Sagot ni Miss.
"Ayaw mo na bang matuloy ang love story niyo Miss. Isa pa may anak na kayo noh." Tanong rin ni Adrialyn.
"Naku hindi na noh. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Baka guluhin lang ulit kami ni Director Audsley, ayaw kong mapahamak ang anak ko."
"Sayang naman." Nanlulumong sabi nila Min, Patty, Vivian at Adrialyn.
"Natatawa nga ako eh. Namana ni Henry ang pagiging mahilig sa Sports sa Daddy niya. Lalo na ang Archery."
"Naku Miss, muntik na akong mapana ni Henry." Sabi ko kaya Miss, tumawa naman siya.
"Hahaha. Nakaka-inggit nga eh, wala siyang namana sa akin. Ay meron pala."
"Yung ngiti mo." Sabi ko, gulat na napatingin sa akin si Miss.
"Lumapit kasi siya sa akin nun na naka-ngiti. Pamilyar na ngiti, nang makita kita Miss. Kitang-kita ko ang ngiti niyo pareho."
"Salamat. Sige aalis na ako, kayo na lang ang bahala kay Henry. Good night."
"Sige Miss, good night."
Vote- Comment - Be an awesome reader of this story.
Open for dedication. Just comment.💋
2 updates na yan.😍
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Novela JuvenilPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...