Untitled Part 48

13 2 0
                                    

Every heart sings a song, incomplete, until another heart whispers back. Those who wish to sing always find a song. At the touch of a lover, everyone becomes a poet.
—Plato

I looked at the mirror, staring at my reflection. Hinawakan ko ang pisngi at hindi mapigilang alalahanin ang ginawa ni Matthew. I shivered when I remembered how his fingers slightly touched my cheek, accidentally.


"I must be crazy..." bulong ko sa sarili.


Naibaba ko ang kamay ko nang may kumatok sa pinto.

"Yes?"


"Ma'am, si Preci po ito," sabi ng nasa labas.

"Why? Is there something wrong?"

"May bisita po kayo sa baba.Pinapasok na po sila ni Ma'am Elionor," sagot nito.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sagot niya. Maaga pa at alam kong mamaya pa kami magkikita-kita nila Adrialyn sa airport. Ayun ang napagdesisyonan namin lahat.

Could it be...? Oh no!

Na-alarma ako sa sinabi niya. Tumayo ako at kinuha ang maleta ko na may lamang damit na gagamitin ko para sa bakasyon namin. I gave it to Preci, kinuha niya naman ito akin at naghintay kung kailan ako lalakad.


Mabilis ang lakad ko'ng tinungo ang living room. Lumaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi nga ako nagkamali sa huli.

"What are you doing here?" nanginginig kong tanong sa kanila. Tumayo naman ang dalawa para batiin ako.

"Good morning, Miss Arrissa," magkasabay nilang bati. Lalong lumaki ang mga mata ko. Totoo ngang nandito sila!


Shit! Si Daddy!


Kabado akong lumingun-lingon sa paligid ng first floor. Mahilig pa namang mang-gulat si Daddy. Baka mamaya ay siya ang magulat sa mga bisita ngayon.

"What are you doing here?" tanong ko ulit sa kanila nang hindi sila sumagot.

"I saw the plate number of your car, then I realised that you can't drive your car today. Coding ka ngayon," I raised my eyebrow when I heard the joy in his voice.

Masaya pa ata siya na coding ako ngayon. Tsk.

"I can borrow my Mom's car. No need to bother yourself," mataray kong sinabi sa kanya.

Jason winced, parang hindi naman natamaan si  Matthew sa sinabi ko. Mas lalo pa ata siyang natuwa sa sinabi ko.

"I'm afraid you can't borrow your Mom's car. May pupuntahan sila ni Tito," his grinned turned wider. "I already asked Tita," dagdag niya pa nang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko.

Timing naman na dumating si Sulkie. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Matthew para salubungin ang aso ko.

"Sulkie!"


Patakbo itong pumunta sa akin pero napatigil ako nang mag-iba siya ng direksyo. My jaw dropped when he welcomed Matthew as his long lost owner.

"Wha-"

"Woah! You've grown up so fast! How are you Sulkie? Lay missed you so much," masayang bati ni Matthew sa aso at ginulo pa nito ang balahibo ni Sulkie.

"Excuse me, Mr. Salvine? Hindi mo na ako kailangang isabay," naaasar na sabi ko. I'm still sore that Sulkie choose him over me.

"Arrissa, dear, pumayag ka na. I trust Matthew that he can drive safe and keep you comfortable. Go, dear," Mom encouraged.

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon