"Oy, ang daya!" Reklamo ni Min. Nadatnan niya kami sa Pavilion na nagre-relax. Nang matapos kami sa ginawa ay nagpunta kami sa Pavilion para makapagpahinga saglit bago dumating ang iba naming mga kaibigan.
Nandito rin ang props namin na kunyaring kinuha namin sa loob ng ilang oras naming paghahanap. Itinalaga kami ni Game Master James na panalo.
I missed how the game thrilled me. I missed how I moved with adrenaline.
Well, it's for your best friends, Arrissa.
Babawi na lamang ako sa susunod na taon. Sisiguraduhin ko na kung sino man ang ka-teammates ko ay mananalo kami.
"Is it my fault that we finished first? Your getting slow and rusty, Min," pagtataray ko sa kanya. I flashed my winning smile at her and sipped on my juice.
Min eyes narrowed at me. "You'll eat your words, Arrissa. Let's see kung mananalo ka pa next year," binelatan niya ako at padabog na tumabi kay Patty.
I only chuckled. For the past few years, ang team palagi ni Min ang nananalo. Kahit kanino mo siya ipa-team ay nananalo sila. Lalo na kung kasama niya si Patty. Hindi mo na iisipin pang lumaban dahil sa bilis nilang gawin ang mga tasks.
Mga matatakaw kasi sa prizes. Sabagay, the prizes for the winner are to die for. Lalo na't kung minsan ay out of the country trip ang prize. Wala itong expenses at may pocket money ka pa! Ikaw pa ang mamimili kung anong hotel ka mag-che-check in.
Nag-serve ang staff ng mga juices para sa kanila.
"Mag-early dinner tayo, guys?" Napatingin kami kay Leo nang mag-aya siya. Lahat naman ay umoo sa suhestiyon niya. Kaya napagpsyahan na rin naming pumunta sa dining hall ng resort.
"Hoo! Ang sarap grabe! Eto talaga ang na-miss ko sa island nila Clara eh," sabi ni Min.
"Yeah. Pero Min, nami-miss ko rin yung binibilhan natin ng pares at mami," sino pa ba? Syempre si Patty.
"Hayaan mo, Patta uuwi rin naman tayo bukas. Duon na tayo mag early lunch," humagikhik si Min sa sinabi niya.
"Hay nako... kakakain lang natin at pagkain na naman ang mga nasa isip niyo," napa-iling na lang si Vivian sa kanila.
"Wait, guys. Arrissa, where is Kaloy?" Tanong ni Clara.
"Nagpaalam siya na may pupuntahan lang. Pagkatapos ng ginawa– I mean pagkatapos naming matapos sa game ay nagpaalam na may pupuntahan daw siya. I allowed him naman since it's supposed to be a vacation," pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Ahhh. Teka... Narinig ko kanina na may tumawag sa kanyang Engineer! Engineer ba talaga siya?" Malakas na tanong ni Patty.
"Oh my!!! Really?!" Tili ni Min.
"Yes. He took up Civil Engineering. He faked some of his information to be able to work in our boutique," I sipped on my glass of iced tea.
Nagtilian ang dalawa-wait... pati si Vivian ay tumili. My mouth opened wide when I saw Vivian giggled like a teenager.
"Overqualified pala siya, Arri, eh!" I rolled my eyes on Min's reaction.
"OHMYHOTPAPIII!!!"
"This is the first time I will be agreeing with you girls," natatawang sabi ni Vivian.
I secretly looked at Jason. I winced when I saw his face darkened when he looked at Vivian.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...