"Arrissa! Vivian! Buksan niyo itong pinto. Bilis!" Dali-dai akong bumangon ng may madinig akong kumakalampag sa pinto ng room namin. Binuksan ko naman ang pinto at tumakbo si Miss Callug papunta kay Henry.
"Miss, anong nangyayari?" Tanong ko. Ginigising niya kasi si Henry.
"Arrissa, anong nangyayari kay Miss?" Nagising na rin sila Vivian at nagtataka rin sa ginagawa ni Miss.
"Pakitulungan muna ako na mailabas si Henry dito sa University. Sa backgate na lang tayo dumaan. Baby, gising na dali. Uuwi muna tayo kay Grandma." Sabi ni Miss at binuhat na si Henry pati ang pana. Kinuha naman si Vivian ang bag ni Henry. Si Min at Patty naman ay kinuha na rin ang bag ni Miss Callug. Si Clara naman ay tulog pa rin hanggang ngayon.
"Miss, ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko, kinuha ko na rin ang pana kay Miss para mabuhat ng maayos ni Henry.
"Nandyan na ka--"
"Sir Hendrix!!!"
"Sir, ang pogi mo!"
"Oh my God."
"Nandito na si Sir Hendrix! Ihhh!!" Nagsitilian si Patty at Min.
"Girls, pakitulungan lang ako na umalis dito. Please."
"Sige Miss." Naglakad na kami pababa sa Dorm. Pagbaba namin ay naka-abang si Matthew at Jason. Nang makita nila kami ay pumunta sila papalapit sa amin. Pag-aalala na rin ang nakikita sa mukha nila Matthew at Jason.
"Miss. Narinig ko na nandito si Sir Hendrix."
"Oo nandito na nga. Nakita ko nga siya kanina eh, kaya tumakbo na ako papunta sa room nila Arrissa." Paliwanag ni Miss.
"May maiitutulong ba kami, Miss?"
"Pakialalayan na lang kami ni Henry papunta sa backgate. Hassle pa pag sa front gate kami lumabas baka harangin kami ng mga bodyguards." Kinuha na lang nila Jason ang bag nila Henry.
"Miss, maiwan na namin kayo ha. Baka magkagulo pa sa dami natin." Sabi ni Patty.
"Sige maramin salamat talaga ha."
"Sige Miss aalis na kaming dalawa ni Min." Tumakbo na silang dalawa pa-alis.
"Magsa-shuttle pa ba tayo?" Tanong ni Matthew, mabilis na umiling si Miss.
"Hindi, may bodyguard ng sasakay diyan. Malapit na lang naman eh."
"Mommy, nagugutom na po ako." Napa-tingin kami kay Henry.
"Wait lang, baby ha. Kakain tayo sa favorite mong restaurant, lalabas lang muna tayo dito." Sabi sa kanya ni Miss, namilog naman ang mata nito.
"Talaga Mommy?! Isasama po natin si Grandma?" Excited na tanong nito.
"Yup, isasama natin si Grandma. Basta behave ka lang ha?"
"Opo!"
"Miss, kailangan po nating dumaan sa field para makarating ng mabilis." Sabi sa kanya ni Jason.
"Wala nang ibang way?"
"Wala na Miss. Nagmamadali rin tayo diba?" Sumingit na ako, wala ng masagot sa kanya si Jason.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...