Outing Club and This Freaking Monkey

57 3 0
                                    

Arissa's PoV

"Dito ang rooms ng mga clubs, magkakatabi lang ang mga club pero malaki ang bawat room." Sabi ni Vivian, tumango na lang ako kasi alam ko na ang sinasabi niya.

"Kailan ba ang event para sa papili ng club?" Tanong ni Patty.

"Nag-announce kanina, sabi mamayang 2:30 ang simula."

"Guys, I have an announcement. I'm..." tumigil muna siya, parang sinasabi niya na may surprise siya.

"...freakishly annoying." Dugtong ni Vivian.

"You are bullying me again." Then she pouted again. Napangiwi na naman ako. Jusko! Araw-araw ko ba siyang makikitang ngumuso. It's kinda annoying as Vivian said earlier. I'm starting to hate that pouting thing.

"I'm born to bully you and you are born to annoy me."

"Psh. I hate you."

Padabog itong naglakad sa isang room, binuksan ang pinto at pumasok. Tinignan ko naman ang Pangalan ng Club room na pinuntahan ni Clara.

...Drama Club.

"Darating na ba ang panahon na ayaw kong manood sa theater ng Drama Club?" Naghihysterical na sabi ni Patty, lumapit naman si Mindi sa kanya at tinapik ang balikat nito.

"Huwag kang mag-alala, aayusin natin ang schedules natin para hindi matapat sa panonood sa mga members ng Drama Club." Pagaalo ni Mindi sa kanya at sunod-sunod niyang tinapik ang balikat ni Patty.

"Naku kahit anong gawin niyo makanonood pa rin kayo ng acting ni Clara sa ayaw niyo o sa hindi, alam niyo namang hindi yun tumatanggap ng No at sa iba't-iba pang lengwahe. Gagawin niya ang lahat." Walang ganang singit ni Adrialyn habang nakatingin sa hand mirror niya.

"May magagawa pa ba tayo?" Tanong ko, sabay-sabay lang silang umiling.

----

"Dito na ang last destination natin, so na-tour ka na namin sa buong Winsley University. May tanong ka pa ba?"

"Wala na. Thank you rin pala."

"Welcome." Sabi ni Mindi, si Adrialyn naman tumango lang.

"Wala iyon, kaibigan na naman namin, eh."

"Guys, magsisimula na yung event para sa mga club." Sabi ni Vivian habang pumipindot sa cellphone niya. "Hindi ko ma-contact si Clara."

"Hayaan mo na yun baka may nakapalibot na naman sa kanya na mga lalaki, alam mo na man iyon pag may lalaki ng kaharap nakakalimutan niya na tayo." Nilabas na rin nila Mindi ang mga cellphone nila.

"Oh my! May nakalimutan tayo!." Sabay-sabay nilang sigaw.

"Huh? Ano yun?" Nagtataka akong nakatingin sa kanila.

"Yung cellphone mo."

"Ah! Nasa bag ko-ay! Naiwan ko pala sa bahay namin." Kinalimutan ko talaga yun para hindi ako ma-trace nila Mommy at Daddy.

"No! We mean yung libreng cellphones sa mga bagong students." Sabi ni Vivian, sabay-sabay naman tumango si Adrialyn, Mindi, at Patty.

"May first allowance rin ang lahat ng students para sa pasukan next week. Para sa bibilhing gamit natin like bags, notebooks, and etc. You know parang mga parents lang natin." Adrialyn giggled.

"For now puntahan na muna natin yung event sa clubs."

"Sige halika na."

"Mag-shuttle bus na lang tayo."

Nag-antay kami sa station papunta ng event center. Dumating na ang shuttle bus kaya sumakay na kami.

----

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon