Breaking Heart

18 1 0
                                    

"Damn it!" I sweared.


"Go girl! Late ka na!"


"Tama na yan. Arrissa, ikaw na ang bahala dito sa dorm. Turn all the lights off. Then unplug all the electricity." Bilin sa akin ni Vivian.


"Yeah. Bye, guys."

"Bye." They all left the dorm. I'm late! Hindi man lang ako ginising. Akala daw nila hindi ako papasok. Ang saya diba? Kinuha ko na ang towel ko at dumiretso na sa bathroom.





----



I knocked on the door of my room. Bumukas naman ka agad ang pinto at tumambad sa harapan ko si Miss Panchili.



"Baka gusto mo pang magpa-late ng konti para absent ka na sa klase ko, Miss Vincent?" Naka-taas ng kilay na sabi sa akin ni Miss Panchili. Yumuko naman ako.



"Sorry po, Miss." Tahimik lang ang mga kaklase ko. Wala akong masyadong close sa kanila. Akala nila siguro nangangain ako.



"Sa susunod agahan mo ng isang araw. Para sigurado kang hindi ka male-late sa klase ko, Miss Vincent."


"Sorry po." I apologized again.


"Sorry ng sorry, akala mo mababalik at may magagawa ang sorry mo. Umupo ka na sa upuan mo, Miss Vincent.
Bago pa magbago ang isip ko. Mag-review ka muna at mamaya ka na mag-simula pag nag-break na ang mga kaklase mo. Sigurado naman ako nakaka-kain ka na sa tagal mo sa dorm mo, Miss Vincent?" Pagse-senti ni Miss. De joke lang. As if naman. Ano oras na kaya ako nagising. Wala na akong time dumaan sa Canteen para kumain.




"Opo, Miss." Diko na siya tinignan pa at lumakad na papunta sa upuan ko. Napansin ko naman na bakante ang upuan sa likuran ko. Umiling naman si Jason ng nakita niya akong nakatingin sa side nila. Kinunutan ko naman siya ng noo at tumawa lang siya ng walang tunog. Should I felt guilty of leaving and rejecting him yesterday? Dammit!



"Morning." Bati ni Gin pag-upo ko sa pwesto namin.




"Morning." Diko na siya tinignan at sinimulan ko ng ilabas ang notes ko para sa subject ni Miss Panchili. Ang test namin para sa bawat subject ay nahahati sa dalawang parte. Unang part 7:00-9:00 ng umaga. Break namin ng 9:00-10:00. Then pangalawang part ay 10:00-12:00. Lunch break na ang susunod at sa hapon kay Miss Callug na kami.



Hindi ko naman pinansin ang katok sa pinto ng room namin. Maya-maya ay bumukas na ito.



"Mr. Salvine, late din! Ano bang meron kahapon at parehas kayong late ni Miss Vincent?" Pambungad ni Miss Panchili. Nagsihagikgikan naman ang mga kaklase namin. Naramdaman kong nakatingin sila sa akin kaya tinignan ko sila ng masama. Mabilis naman silang umiwas at nagpasipol-sipol ang iba. Tumingin ako kay Matthew at mabilis rin akong yumuko. Bloody hell! Nakatingin siya sa akin.


"I'm sorry po, Miss." Simpleng sagot ni Matthew.


"Maupo ka na nga, Mr. Salvine. Kayo lang ang late ngayon. Mag-review ka na, Mr. Salvine. Sabay na kayo ni Ms. Vincent mag-test mamaya." Paalala ni Miss Panchili. Bumalik na ako sa pagbabasa ng mga notes ko. Naramdam ko namang may umupo sa likod ko. Napapikit naman ako ng mariin. Gosh! Guilty feeling go away!





-----





"Maiwan ko na muna kayo. Siguro naman ay hindi niyo na kailangan ng taga-bantay diba? Babysitter niyo kumbaga. At sige mag-kopyahan kayo. Makikita ko naman yan mamaya pagchinekan ko yang mga papel niyo. Kung tapos na kayo sa pagsasagot pwede na kayonh umalis." Hindi na hinintay ni Miss Panchili na mag-salita kaming dalawa. Umalis na ito ka agad at pabalibag na sinara ang pinto. Binasa ko ulit ang tanong sa test paper.



First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon