"No you can't, mahirap siya kalaban." Bigla niya sinabi, kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino ang mahirap kalaban?
"Ano yun, Miss?" Nagtataka kong tanong, nanlaki ang mata niya ng ma-realize kung ano ang sinabi niya.
"Nothing, Ms. Vincent. Just go to your room in the dormitory. You cannot really help me with my problem." Mangiyak-ngiyak na sabi niya at tumikod na saka naglakad.
----
"May problema si Ms. Vincent." Kinakausap ko kasi sila Adrialyn. Nag-aalala talaga ako kay Ms. Callug.
"Naku girl, wag mo ng problemahin si Ms. Callug." Sabi sa akin ni Clara. Simula ng nag-kita sila ni Gin ay nag-tagalog na siya kahit nahihirapan.
"Oo nga, Arrissa. Nagiging chismosa ka na ba? Hoy! Clara at Patty! Tinaturuan niyo ito noh?" Sigaw ni Min kila Clara at Patty. Inirapan lang siya ni Clara at hindi na siya pinansin ni Patty.
"Hindi. Nababahala talaga ako kanina sa kanya. Parang sobrang laki ng problema niya." Sagot ko sa kanila. Tinapik naman ni Adrialyn ang balikat ko.
"Okay lang na mamroblema ka sa problema ni Ms. Callug kasi hindi niya naman inaangkin ang problema niya. Wag ka lang gagawa ng ikakapahamak mo." Paalala sa akin ni Adrialyn at nag-lakad na papunta sa kama niya.
"May nasagap ako kuwento tungkol kay Ms. Callug dati." Singit ni Vivian.
"Oh nagising ka na? Gabi pa lang matulog ka na ulit." Tanong sa kanya ni Min. Pagdatig ko kasi kanina sa room namin ay nakasalampak na si Vivian sa kama niya at humihilik pa. Pinaliwanag naman sa akin ni Patty na ang dami daw ginagawa ni Vivian nitong nakaraang araw, kaya pagdating daw kanina ay sumalampak na ka-agad sa kama niya.
"Nagugutom na ako eh. Kumain na ba kayo?" Nag-hikab pa at nag-inat ito.
"Hindi pa eh." Sagot ni Patty.
"8 O'clock na pala, hindi pa tayo kumakain." Sagot din ni Min na nakatingin sa wrist watch niya.
"Kain na tayo." Tumayo na kami para pumunta sa Canteen.
----
"Ano nga ang sinasabi mo kanina, Vivian? Yung tungkol kay Ms. Callug." Interesado kong tanong.
"Nung 1st year High School ako dito sa Winsley University. Wala pa akong kilala at hindi ko rin kilala si Ms. Callug, pero palagi siyang usap-usapan. Naririnig ko lang ito sa mga estudyante dati na siguro ay may trabaho na ngayon ay may relasyon daw si Ms. Callug at yung anak ng isa sa Director ng Winsley University."
"Eh sadyang pinagpala ang tainga ko at palaging nakakasagap ng balita." Napasimangot kami sa sinabi niya.
"Ahehe, eto na nga itutuloy ko na ang kuwento. Eh hindi naman sa bawal na relasyon iyon, ang balita pa nga eh boto sa kanila ang Principal at Dean. Pero may isang hindi talaga boto." Pagtitigil niya, kinuha niya ang tubig sa table.
"Huy! Ano na bilis." Naiinip na utos ni Patty.
"Wait lang, teh. Agad-agad? Atat lang? Oh, eto na nga hindi boto sa kanila yung Tatay ng boyfriend niya. Yung Director, pinagbantaan pa nito ang Winsley University na ipu-pull out lahat ng shares and stocks niya. Siya ang Major Stockholder ng Univ. at sa huling pagbabanta niya ay sasabihin niya daw lahat ng sekreto ng University. Hindi rin nasindak ang Officers, handa na daw ang University sa issue na iyon." Tumigil ulit ito at huminga.
"Teka, kwento ka ng kwento hindi pa namin alam ang pangalan ng Prince Charming ni Ms. Callug. Sino nga ba?" Tanong ni Adrialyn. Bigla namang tumili si Vivian, halos mangisay.
"Ihhhh! Super duper pogi. Grabe anong gayuma ang pinainom kay Mr. Archer Hendrix Audsley. Makausap nga si Ms. Callug, tatanungin ko lang kung paano niya nakuha ang gayuma." Sabi ni Vivian, nangalumbaba at nag-day dream.
"Ay! Pang-foreigner ang name." Sabat ni Patty. Tahimik lang si Clara, hindi naman siya nakikinig sa kinukwento ni Vivian kumain lang talaga siya. Kanina pa ito pangiti-ngiti habang nagta-type sa cellphone niya.
"Girl, tapusin niyo na ang kwento mo." Sabi ni Adrialyn na naka-tingin sa salamin.
"Yun na nga. Hindi nga nasindak ang University sa threat ni Director Audsley. Sila Ms. Callug daw ang nasindak kaya naghiwalay na lang daw sila. Simula nun hindi na pumupunta si Mr. Audsley dito, si Director Audsley na lang pero madalang. Si Ms. Callug naman parang walang nangyari pagka-tapos nun, bumalik na ulit siya sa pagiging jolly." Pagtatapos ni Vivian. Tumahimik lang kaming lahat pagka-tapos niya.
"Oo nga pala. May sport si Sir. Hendrix." Sabi ulit ni Vivian, kala ko naman tapos na siya. Umayos naman ng upo ang mga ksama ko dito sa lamesa na halatang interesado sa Prince Charming ni Ms. Callug.
"Ano? Bilis may oras pa para palitan ang nakuha kong E.P." Pagmamadali sa kanya ni Patty.
"Archery!" Masiglang sagot nito at kumain na.
"Huh? Parang ang hirap nun."
"Oo nga dibale na lang, hindi na rin naman siya magpupunta dito."
"Ay Min oh. Nag-text yung kaklase ko, wala na daw palitang ng sport."
Laughtrip talaga pag-kasama ko sila. Hahaha.
Vote- Comment - Be an awesome reader of this story
Open for dedication. Just comment.💋
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...