Arissa's PoV
After a week... First day of classes...
I really really hate that freaking monkey! One week ago na pero hindi ko pa rin makalimutan ang mukha ng unggoy na iyon, makita ko lang siya sa loob ng University na ito sasapakin ko talaga siya. Ugh!
"Girl, cheer up. It's our first day of class." Si Clara.
"Oo nga umagang-umaga naka-simangot ka." Patty.
"Hindi niya makalimutan yung poging Guy last week duon sa stall ng Outing Club." Adrialyn.
"Me? Paki-alam ko duon sa Unggoy na iyon." Nakasimangot ko pa rin na sagot.
"Ayiee... Dali! Okay lang yaan tayo-tayo lang naman wag ka ng magtago sa amin, kami pa pagtataguan mo?" Tanong ni Vivian.
"What happened last week?" Tanong ni Clara, inis ko siyang binalingan. Natakot naman ito sa akin, pero sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Nagaway nga kami diba?" Sarcastic na sagot ko.
"No! I mean before we entered the scene. You know."
"Ah! Nanghiram kasi siya ng pen, pinahiram ko naman agad siya ng extra pen ko sa bulsa. Pagkatapos niya gamitin binalik niya ka-agad, nag-thank you siya at... at hinalikan ako sa pisngi. Napatayo naman ako sa gulat at tinanong kung bakit niya ako hinalikan, sabi niya naman yun ang way ng pagte-thank you niya sa akin. Hindi ako sumigaw kasi ayaw kong gumawa ng eksena, kaya ang ginawa ko sinipa ko siya. Kaya lang naka-skirt pala ako kaya may nakita siya..."
"Ano?"
"... my color white underwear."
'Katahimikan...'
"Omg! Nakalimutan ko bang naka skirt ka?" Takang tanong ni Vivian, napatango naman ako. Ang iba naman ay napatampal sa noo nila pero may nagiisa lang talaga na tuwang-tuwa pa sa nangyari sa akin last week. Yun ay walang iba kundi si...Clara.
"Oh my! Hahaha it's so funny."
"What so funny about that incident last week?" Mataray na tanong ni Vivian.
"Nothing. But she for forgot that she wore a skirt that day. Hihihi."
"Hey! Sinabi ko na yan kanina."
"Why? It's bad to repeat what you said to Arissa earlier?
"No."
"See? It's not bad."
"Pigilan niyo nga ako baka batukan ko na ang babae na yan!" Nanggagalaiting sigaw ni Patty, pero nilabas lang ni Clara ang dila niya.
"Tumigil na nga kayo! First day ng klase naga-away kayo!" Pagawat ni Vivian.
"Tsk. Pumasok na tayo."
----
"Guys, dito na tayo maghiwa-hiwalay magkita na lang tayo mamaya sa Canteen." Sabi ni Min.
"Right. See you later."
Narating ko naman ka agad ang room para sa unang period ko. Pagkapasok ko nakita ko na konti pa lang ang students na nasa loob ng classroom. Umupo ka agad ko sa 2nd to the last na row. Nilabas ko ang book na dala-dala ko papunta dito sa Winsley University. The title of the book? The Fault In Our Stars by John Green. Naramdaman kong may tumabi sa akin, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa.
"H-Hi." Nauutal pa na salita nito. Nabaling naman ang atensyon ko sa kanya, tahimik kong ibinaba ang libro na hawak ko. Kumunot naman ang noo ko ng mapansin kong pamilyar ang mukha niyo. Mula sa pagkakakunot ng noo ko ay napalitan iyo ng panlalaki ng mga mata ko. Eto yung lalaking naka-usap ni Ma'am Sanchez, yung lukot-lukot ang polo.
"Hi?" Naiilang na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman iyo sa akin.
"Gin De Guzman." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay, tinanggap ko naman ito at ngumiti.
"Arissa Vincent."
"Your name is beautiful, just like you." Salita naman ng nasa likod ko. Biglang uminit ang ulo ko ng marinig ang boses na iyo.
"Maganda talaga ako, mukhang prinsesa. Ikaw? Mukha kang unggoy!" Sabay baling ko dito, pero sa loob-loob ko sana pala hindi na ako bumaling sa unggoy na ito. Nakahalukipkip ito at nakangising pang-asar.
"Right. You are princess, beautiful princess, my beautiful princess." Namula naman ang pisngi ko hindi sa kilig kundi sa inis. Nilapitan ko ito at nginitian ng matamis.
"Tol! Ang taas ng pangarap mo! My beautiful princess? Ano kala mo sa akin fangirl mo. Huwag mo nga akong lokohin iba na lang." Itinuro ko ang mga fangirls niya sa labas ng bintana na halos himatayin na sa kilig. "Sila ang tawagin mo, kanina pa tili ng tili hindi ako makapagbasa ng maayos. Masakit sa tainga ang boses nila." Iritado kong reklamo, sinamaan naman ako ng tingin ng mga fangirls niya. Binalingan ko ulit sila at inirapan.
"Jason!" Tawag ni unggoy, nagmamadali namang lumapit ang lalaking tinawag niyang 'Jason'.
"Prin-este Matthew! Ano ang kailangan mo at sigaw ka ng sigaw dyan." Pa-cool pa nitong sabi sa unggoy. I rolled my eyes, halatang uma-acting.
"Paalisin mo ang mga babae na yan. Sabihin mo may Fan Service ako bukas sa Auditorium." Utos ng unggoy, napataas naman ang kilay ko sa utos niya. Fan Service? Artista ba itong unggoy na ito at may pa-fan service pang nalalaman.
"Aba't mayabang ka ka talaga. Anong akala mo sa sarili mo, Artista?" Mataray kong tanong, imbis na sumagot ito ay ngumiti lamang. Nagulat naman ako ng tumili ang mga babae sa bintana.
"Talaga?! Sige paki sabi kay Prince Matthew, aasahan namin siya."
"Kahit anong oras basta para sa kanya."
"Kung gusto niya kamo duon na kami matulog ngayon para hindi siya masisiksik bukas."
"Iintayin kita Matthew my labs so sweet."
Napa-ngiwi naman ako sa mga narinig ko, ang unggoy naman halatang nage-enjoy sa mga fans niya daw. Hindi ko na siya pinansin at bumalik na lamang sa table ko. Nakipag usap ulit ako kay Gin. Ang unggoy naman ay naupo sa likod ko, kaya nasa last seat kasama ang lalaking si 'Jason'.
"Good Morning, Students." Bati ng babae sa tapat ng pintuan. Tumayo naman ang mga kaklase ko kay nakigaya na rin ako.
"Good Morning, Ma'am." Hindi niya kami pinansin at sinarado ang pinto. Pagkatapos niyang isarado ang pinto ay naglakad siya papunta sa table niya sa gilid. Pabagsak naman niyang inilay ang hawak niyang mga gamit sa table, kaya tumaas ang balikat ko.
"Hay! Jusko. Wag kayong matakot sa akin ha hindi ako nakaktakot at nangangain. Kaya ganoon lang ako kanina kasi sabi ng Dean kailangan masungit kami para sumunod ang mga studyante sa amin. Pero hindi ako ganoon no mas gusto kong nakakasama ng maayos ang mga studyante ko ng walang takot sa akin pero may respeto." Paliwanag nito habang nakangiti ng matamis. Sunod-sunod naman ang mga tango ng mga kaklase ko.
"So for now hindi muna tayo magle-lecture o magpapakilala mga sarili sa harapan. Alam ko naman na may hang-over pa kayo sa vacation kahit nandito tayo sa loob ng University. Hahayaan ko naman kayo gawin kahit anong gusto niyong gawin buong 8:00 to 12:00 magi-stop tayo kasi may break ngayon na two hours. Then 2:00 to 4:00 non-stop na daldalan. Makipagkaibigan muna kayo sa mga kaklase niyo para bukas medyo kilala niyo na ang isa't-isa hindi na kayo mahihiyang magpakilala sa harapan. Okay. Our time starts now!"
Nagusap kami ni Gin ng kahit anong tungkol sa amin ng may kumalabit sa akin. Tinignan ko naman ito at tinaasan ng kilay. Si Unggoy.
"Why?"
"Matthew Salvine." Naka-ngiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman ang kamay niya. Pwede pala itong makausap ng maayos.
"Arissa Vincent, unggoy." Ngumiti na rin ako.
"Alien Princess."
To be continued...
Vote - Comment - Be an awesome reader of this story d^_^b V
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...