Our Beloved School - Winsley University

131 3 0
                                    

"Ma'am pasok na po kayo." Napakurap naman ako sa sinabi ni Manong Guard. Ilang minuto na ako nakatunganga sa kabuuan ng School. Eto ba ang tinatawag nilang Public, Jusko mas maganda pa sa exclusive schools.











"Kuya sigurado po kayong public school toh?" Tanong ko kay Manong Guard habang kinakalabit siya. Napatawa naman si Manong guard. May nakakatawa ba sa tanong ko?










"Diba nakita mo yung pader at gate namin?" Napatango naman ako. "Ginawa kasi naming nakakatakot yun para ma-challenge ang magaaral kung papasok ba sila sa loob o hindi. Hay naku baka ma-late ka. Anong year ka na ba?" Tanong ni Manong guard.










"1st year College po." Magalang na sagot ko lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko.












"Pumunta ka na sa may Tour Guide's quarter. Ito-tour ka sa buong school, lumiko ka pakanan tapos yung unang-una na pinto duon pasok ka." Utos sa akin ni Manong Guard.










"Salamat po Manong Guard." At naglakad na.












——-












Kumatok muna ako sa pinto.








"Come in." Sigaw ng nasa loob kaya binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang siyam na cubicles.










"Anong year mo hija?" Tanong nung isang matandang babae na nasa unahan.

"1st year College po." Magalang na sagot ko.







"Ah... duon ka kay tour guide Sanchez. Sa pang-apat na cubicle." Tumango naman ako. Naglakad naman ako sa papunta sa pang-apat na cubicle. Nakita ko ang isang babae.








"Hi I'm Tour Guide Sanchez. Ibaba mo na lang yang maleta mo dyan. Ilalagay na lang ng janitor sa room ng dorm mo." Nakangiting sabi ni Tour Guide Sanchez kaya sinunod ko naman. Tumayo siya sa swivel chair niya.












"Labas na tayo, naiinatay na sayo ang mga kasama mong ito-tour ko sa Winsley University." Paanyaya niya sa akin at lumabas na kami sa Tour Guide's quarter.








——


"May idea ba kayo tungkol sa Winsley University?" Yan ang kauna-unahang tanong ni Tour Guide Sanchez sa amin. Sabay-sabay kami ng mga kasama ko na umiling. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko. Sabi ni Ma'am Sanchez, twenty people lang daw ang capacity na pwedeng itour ni Ma'am. Why? Para maintindihan daw maigi ng itinitour niya ang mga sinasabi niya katulad ng rules and regulations. Dahil mabreak mo lang daw ang isang rule sa detention room ka agad ang bagsak mo.










"Good. So ngayon nakikita niyo ang main building ng school. Yan ang pinakamalaking building dito. 10 floors yan, may dalawang elevator and escalator, bawat isang floor 20 rooms. Ang isang room ay may dalawang aircon. Ang teachers and professors ang pumupunta sa room. Why? Para maiwasan ang mga studyante na mag cutting classes. May ECA building it's stands for extra curricular activities. Bawat room iba't ibang clubs, kasya sa isang room nan ay 50 peoples. Ang isa pang building ay physical building. Nandyan ang Gym, Auditorium, kumpleto ang gakit dyan para sa mga players and students." Paliwanag sa amin ni Ma'am Sanchez. Hindi naman kami makapagsalita dahil sa pagkahanga. Nagtaas ng kamay ang isa sa kasama kong babae.














"Yes?" Tanong ni Ma'am Sanchez.












"Sigurado po kayong public ito? May babayaran po ba? Paaalisin niyo po ba ang mahihirap?" Sunod-sunod na tanong nito.












"Of course public ito. Kaya lang hindi pinasasabi sa publiko, baka kasi abusuhin kami." Sagot ni Ma'am.












"Pumunta naman tayo sa Cafeteria. Libre ang lahat ang pagkain dito. Pipila kayo at pipili ng kakain. Hindi poket libre ay marumi na. Puro chefs ang nagluluto sa Cooking area. Hindi namin hinahayaan magkasakit ang student sa pagkain namin." Naglakad ulit siya kaya sumunod kami. Huminto kami sa isang field. Napanganga ako ng may nakita akong natutulog na studyante.












"That's our field, dyan naglalaro ng soccer. Pwede ring matulog ang mga studyante, mamimili lang sila sa field na ito or sa dorm nila. Basta sisiguraduhin mo lang na vacant time mo or walang pasok dahil pagnahuli ka. Saan ang bagsak mo?" Tanong ni Ma'am.










"Detention room." Sabay-sabay namin sagot.










"Oops. I forgot to tell you guys. May tatlong building pa pala, ang Science Building, Hospital, and yung pangatlo mamaya ko na lang sasabihin. Sa Science Building ang Library at Chemistry Laboratory Room. Sa Library, kumpleto lahat ng books kaya three floors yon. Sa Chemistry Laboratory Room, kumpleto rin ito sa equipments. Meron rin maliit na Mall ang School, actually hindi siya matatawag na Mall kasi bookstore and boutique lang ang nasa loob nito." Naputol ang pagpapaliwanag ni Ma'am ng may nagtaas ng kamay sa gilid ko.










Ngumiti si Ma'am senyales na magsalita na siya.










"Paano po kami makakabili duon?" Tanong nito at lumakas ang bulung-bulungan. Oo nga naman paano kami makakabili?












"Girls, quiet!" Suway sa amin ni Ma'am kaya tumigil sila.














" Nagpag-usapan na yan ng Board of Directors ng School. Oo nga naman paano makakabili ang mga students kung hindi sila makakalabas ng School at manghihingi ng pera sa mga magulang nila. Kaya naka-isip sila ng solusyon na pabor sa mga involved sa School na ito katulad ng students, professors, teachers, parents, and Dean. Ang 'Your Grades, your money' ito ang project ng School na ipinapatupad ngayon at sa susunod na henerasyon na mga students ng Winsley University. Kunyari ang grades mo sa lahat ng subjects this quartee are 85 at 10 lahat ng subjects na pinapasukan mo. Then i-multiply mo ito 85×10=850. So 850 ang pera mo this quarter. Ang College students naman ay 2500 every semester." Naghiyawan naman ang mga kasama ko kaya napatawa si Ma'am.














"Eh papaano po kapag may Party or Grand Ball dito sa School?" Tanong nong babaeng nakasalamin na nasa unahan.












"Every year ang ating Ball it's either Christmas or Graduation Ball. Grades ulit ang batayan ng budget niyo para sa gown, pagsasamahin lahat ng grades niyo sa buong school year. Ang isang section ay mayroong isang fashion designer." Tumigil si Ma'am isang building, tinuro niya ito.












"This is the Dormitory of girls. Sa isang room anim na studet at iba't-ibang ang level, first year high school to fourth year college ang nasa room. Sa loob ng room may tatlong bunk bed, anim na cabinets, and two restrooms. May terminal ng shuttle bus. Terminal to Science Building, to Main Building, to Hospital, to Dean's and Teachers Building. Kung naguguluhan kayo meroong map-." Naputol ang pagpapaliwanag ulit ni Ma'am Sanchez ng may sumigaw sa pangalan niya.














"Ms. Sanchez, naiwan niyo po yung maps na ibibigay niyo!" Sigaw ng lalaking studyanteng naka-uniform. Tinitigan ko ito at napangiwi ako sa porma niya. Hindi nakaayos ang uniform niya may mantsa pa, sobrang laking ng eye glasses niya (pustahan tayo bente bente makapal rin ang lens niya), yung slacks niya halatang hindi naplantsa (hindi na ako magugulat kung nasa likod niya ang plantsa), socks niya ay magka-iba ng kulay (black and white).




"Oh! Oo nga pala, salamat Mr. De Guzman."






To be continued






Vote -Comment- Be a fan. (*^_^*)

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon