Untitled Part 45

11 2 0
                                    

Keeping secrets from someone
is no different from lying to them.
It's still dishonest.
—(Unknown)




Nag-aayos ako nang mag-vibrate ang phone ko. Sign na may nag-message sa akin. Binaba ko naman ang suklay sa tukador at kinuha ang phone. Nakita ko agad ang number ni Patty, siya lang pala ang nag-text. 

From:Patta

Hi, Arri! We decided to hang out today. Sama ka, please?

To:Patta

I can't, Patty. I have to meet the client today. Maybe next time? Have fun with the girls tho. Muah

Napangiti naman ako at napagpasyahan nang bumaba. Ni-check ko muna kung may naiwan akong gamit bago bumaba papuntang dining room. Nandatnan ko sila Mommy at Daddy na naghahanda na para mag-agahan. Nanduon din si Mamang na nakikipagkuwentuhan sa kanila.

"Good morning, Mom! Dad!" I greeted them. 

Lumapit muna ako kay Manang at nagmano.

"Magandang umaga sa'yo, anak," hinaplos ni Nanay ang pisngi ko.

Hinalikan ko naman sina Mommy at Daddy sa pisngi bago umupo sa katapat ni Mommy.

"Good morning, my dear," mommy greeted me with a sweet smile.

"Good morning, my baby," binaba ni Daddy ang newspaper niya para tignan ako.

As usual pumasok na naman si Sulkie mula sa living room. Dire-diretso ito nang pagtakbo papunta sa akin at nagkanagkmbing sa paanan ko.

"Good morning to you, too, my sweet boy," I baby talked him. I can't help it, lalo na't mabait at behave talaga siyang aso.

Nang binigyan ko si Sulkie ng treat niya ay nagsimula na rin ako sa pagkain.

Dad cleared his throat. "Baby?"

"Yes, Dad?" I looked up to him from my plate.

"Uhh... Your Mom... Ehem. Your Mom accidentally mentioned to me that Matthew came back?" Ilang na tanong ni Daddy.

Napatingin naman ako kay Mommy na nag-peace sign sa akin. She even mouthed 'sorry, dear'.

Napansin ko rin na natigilan si Nanay sa ginagawa niya.

I blinked and laughed awkwardly."Yes, Dad. He's one of my client. His twins siblings are turning 6 this coming May."

"But anak, you can turn it down naman..." Dad reasoned out.

"Dad, hindi ko po alam na siya ang client ko. His grandmother set up the appointment. Saka we need to be professionals, Dad," pag-e-explain ko kay Daddy.

"Alam na ba ito ng mga kaibigan mo?" Pagsingit ni Mommy.

"I'm quite busy po these past few days, Mom kaya wala po akong time. Pero sasabihin ko rin naman po."

"That boy, baby... Has a nerve to come back here. I threatened him once and he intentionally hurted you. Let's see kung may magagawa pa siyang kalokohan," aniya.

"Dad..."

"Baby, he hurted you! Baka naman gusto po pa 'yang lalaki na 'yan ah?" Namula ako sa sinabi ni Daddy.

"Dad, please..."

"Jaime... Let your daughter make her own decision. Malaki na ang anak mo para malaman ang tama sa mali. If she'd done a mistake, we will be on her back comforting her." Pagpapakalma ni Mommy kay Daddy. I mouthed at my Mom my gratefulness. 

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon