Alam mo ba yung feeling na gusto mo na lang kainin ng lupa? Yung feeling na gusto mo nang tumakbo sa kahihiyan? Welcome to my world.
Halos sambahin ko ang elevator door nang magbukas ito. Sa wakas! It took you long enough to reach our destination!
"Uhh... this way, po," walang lingon-lingon ko sabi. Hinintay ko namang makalabas silang lahat sa elevator bago maglakad papunta sa hotel room nila.
"These are your rooms," itinuro ko ang tatlong room na nasa tapat namin.
"Madame Amalia and Sir Michael, this would be your room for today," kinuha ko ang key card sa bulsa at ibinigay sa kanila.
"This would be your room, Madame Anastasia, Sir Edward, Princess Lay and Nicholas. Here's your key," dahan-dahan kong inabot ang key card kay Madame Anastasia.
"Uhh... for you Mr. Salvine. You requested to have a private room for you," inabot ko naman sa kanya ang huling keycard.
"Thank you," he murmured.
"The dinner will start on 5. If you want to request something to be done in the private dinner, don't hesitate to call me," nakangiti kong paalala sa kanila. Yumuko pa ulit ako at nagpaalam na. "See you later and enjoy your stay."
Nasa ika-apat na hakbang pa lang ako nang tawagin ako ni Madame Anastasia.
"Arrissa?"
Mabilis akong lumingon at ngumiti. "Yes, Madame?"
"Would you like to have a dinner with us? I'm inviting you in our family dinner later," she said.
"M-Me, Madame?" Gulat kong tinuro ang sarili. She nodded her head while smiling. "Yes, Arrissa. If you won't mind?"
"Not at all, Madame. It's a honor and I would love to go," agap ko.
"Good. See you later, Arrissa. Take a break, dear," she tapped the card to the door and entered the room.
Para akong lulutang sa saya. Hindi ko akalain na yayayain niya ako sa private dinner nila!
Mabilis kong tinungo and elevator ng may malawak na ngiti sa aking mga labi. Impit ang tili ko nang makapasok.
This is so freaking great!
Nang makarating sa hall kung saan dinaos ang party ay nagsimula na akong tumulong sa pag-aayos. Kaunti lang ang aking natulong dahil malapit na pala silang matapos.
"Miss Arrissa, sasabay po ba kayo ng miryenda sa amin?" Tanong sa aking nang kakalapit lang na si Herlyn.
"After that you can take your break without me for an hour. Then make sure na okay na ang private hall na pagdadausan ng family dinner," I couldn't keep the smile off of my face.
"Noted, Miss Arrissa," pumunta na ito sa ibang staff ko para sabihin sa kanila ang bilin ko.
Hapon na nang matapos ang paglilinis ng maintenance sa hall. Duon ko pa lang naalala na kailangan ko pala ng damit sa dinner mamaya. Nanlumo ako nang maalalang wala akong dalang damit at kung babalik pa ako sa bahay ay mata-traffic ako pabalik dito sa hotel.
Napanguso ako nang titigan ang damit ko. I wore a coat and slacks, I didn't bring any dress with me. I wasn't expecting that they would invite me in their private dinner. And this attire is really appropriate for an occasion like this. Mas nakakagalaw ako nang maayos kapag ito ang suot ko.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...