"What did you say?"
"Clara! What happened to you?" Sabay na salita ni Vivian at Gin.
"Uhm..." Walang masabi si Clara, lumaki rin ang mata nito nang makita si Gin. Si Patty naman sumipol, si Min at Adrialyn pinipigilang tumawa. Tumayo naman ako.
"Siguro mas maganda kung iiwan muna natin sila." Singit ko, tumango naman sila. Naglakad si Adrialyn papunta kay Vivian na nakatunganga pa rin, inakay niya ito at lumabas sa naka-bukas na pinto. Sumunod naman kami.
"Guys! Don't leave me here, please!" Pakiusap ni Clara, humarap naman si Adrialyn.
"Whatever."
"Don't mind her, girls."
"Hoy! Gin, ikaw na bahala kay Clara. Pagusapan niyo ang problema niyo." Payo sa kanilang dalawa ni Min, tumango lang si Gin at sinarado ang pinto.
"Come on!"
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Min.
"Tayo naman ang maghahanap ng poging boys. Day off muna ngayon si Clara dahil nandiyan ang original na boyfriend niya." Siraulo rin itong si Patty.
"Sila pa ba?" Tanong pa ulit ni Min.
"Malay ko. Tanongin mo na lang kay Clara mamaya." Sagot sa kanya ni Vivian.
"Eh bakit mo sinabing boyfriend pa rin ni Clara si Gin?" Si Patty naman ang tinanong ni Min.
"Trip ko lang."
----
"Gin, sige na kasi. Sabihin mo na." Pangungulit ko kay Gin, naka-salubong ko kasi siya. Sabay na kaming naglakad papunta sa room. Tinatanong ko kasi siya kung anong pinag-usapan nilang dalawa ni Clara kahapon.
"Ang kulit. Sabi ko nga sayo nag-sorry lang siya." Kalmadong sagot ni Gin. Hindi ba nagagalit itong tao na ito?
"Ihhh. Wala bang balikan moments?" Pangaasar ko.
"Baliw. Wala pa."
"Wala pa? Pa? Ibig sabihin may chance?" Siguro may chance pa nga, pero hindi ngayon. Kailangan ng masinsinang usapan and bata pa sila. Kausapin rin nila dapat yung tatay ni Clara, tanungin na rin kung anong problema.
"Maybe."
"Princess." Nagpintig naman ang tainga ko.
Monkey Alert! Monkey Alert!
"Oh, you're here, Unggoy."
"Of course para makita mo ako at gumanda ang araw mo." Tinaas-baba niya pa yung kilay niya.
"Kung ikaw lang rin, wag na."
"Princess, madaming naghahabol sa akin." Napataas ang maganda kong kilay sa sinabi niya. Naririndi na naman ako sa mga fans niya daw.
"Aba't ang kapal... sino naghahabol sa iyo? Aso?" I laughed like an evil.
"Tsk. Sayo lang ata hindi gumagana ang charms ko. Wala na bang pag-asa?" Disappointed na sabi niya, nginitian ko sa ng pagkatamis.
"Lapit ka dito." Malambing na salita ko sa kanya, nag-gesture pa ako. Namula naman ang mukha niya, siguro iniisip niya hahalikan ko siya? Aba'y mataas nga naman ang pangarap nito at ang kapal pa ng mukha.
"Dito na talaga? Okay lang na may makakita?" Gulat na sabi niya habang naglalakad papunta sa harap ko.
"Oo. Okay lang yan, mabilis lang naman eh."
"Oh."
"Lapit pa."
"Wait lang."
"Tsk. Bilis male-late na kami ni Gin."
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...