"Arrissa"
Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.
"I can help you." Simple kong sabi sa kanya. Napatulala siya at unti-unti nang umiyak.
"Nagkakilala kami ni Hendrix noong nag-aaral pa ako dito sa Winsley University. Coach siya ng Archery, Director naman ang Daddy niya." Pagsisimula niya habang umiiyak pa rin. Hindi na lang ako umimik kasi alam ko na naman ang sinabi niya. Magkaroon ka ba naman ng tsismosang kaibigan.
"Sobrang saya ko kasi bukod sa pamilya ko at mga kaibigan ko may nagmamahal pa sa akin. Pero hindi nga lahat nagtatapos sa happy ending. Nalaman ni Director Audsley ang relasyon namin ni Hendrix. Ayaw niya pala sa mahirap na katulad ko para sa anak niya. Nagbanta sa amin at sa University si Director Audsley. Walang pakialam ang Dean sa pagbabanta ni Director, ang sabi niya pa ay handa na ang Winsley sa public pag nalaman nila ang sikreto." Hindi pa rin ako nag-sasalita dahil alam ko ulit yon. Tinatapik ko na lang mahina ang balikat niya.
"Nag-desisyon kami na mag-hiwalay na lang kami para sa ikabubuti naming dalawa at ng University. Umalis na siya ng University pagka-tapos nun. Ako naman, nagtapos na rin ako ng pagaaral at nagturo na dito."
"Wala ka na bang balita sa kanya?" Tanong ko.
Umiling ito at nagsalita. "Wala eh. Pero nung last week, narinig ko sa Faculty na babalik daw si Hendrix." Walang-gana niya sabi sa akin.
"Talaga?! Ibig sabihin may chance kayong dalawa! Pwede na kayo'ng magpa-kasal." Excited na ako para sa kanila. Napatayo si Miss Callug at umiling ulit.
"Hindi pwede!" Sigaw nito.
"Huh?" Nagtataka ako sa sinabi niya. Ayaw niya bang matuloy ang love story nila ni Mr. Hendrix Audsley?
"Hindi pwede kasi may--"
"Princess." Napa-face palm ako. Pwede bang pumatay ng tao? Kahit ngayon lang. Muntik ko ng sampalin ang Unggoy na ito. Lord! Pwede ba ibalato niyo na lang sa akin itong Unggoy na ito?
"Kanina ka pang Unggoy ka ha!" Bulyaw ko sa kanya.
"Hala! May kausap ka pala. Nakaka-abala ba ako?" Inosenteng tanong ng Unggoy. Napa-face palm na talaga ako, hindi ba obvious?!
"Hindi ba obvious na may kausap ako?!" Nanggagalaiting sigaw ko sa kanya.
"Hehe. Peace! Sorry?" Tumawa siya at nag-kamot ng ulo.
"Umh. Arrissa, mauna na ako. May tatawagan pa kasi ako." Halatang awkward si Ms. Callug. Humarap na lang ako sa kanya at ngumiti. Mamaya ko na bubugbugin ang Unggoy na ito.
"Sa Monday na lang, Miss. Usap na lang ulit tayo." Nagpaalam na ito sa akin at naglakad na papalayo. Naka-simangot akong humarap sa Matthew na ito.
"Ikaw kahit kailan talaga epal ka." Lumapit ako sa kanya at piningot siya sa tainga. Umaray ito habang inaalalayan ang tainga niya.
"Aray! Sorry na Princess, malay ko bang may kausap ka at mahalaga ang pinaguusapan niyo.
"Talaga? Hindi mo alam na may kausap ako." Sarcastic na tanong ko.
"Oo."
"Eh anong gagawin ko dito?"
"Malay mo iniisip mo ako at ayaw mo lang ipahalata sa amin na pogi ako." Sagot niya. Ang yabang talaga! Mag diniinan ko pa ang pag-pingot ko.
"Kahit kailan ka talaga! Pag hinahanap ka wala ka, pero pag walang kailangan sa iyo saka ka nandiyan at nanggugulo."
"Aray!" Kinaladkad ko siya papunta sa Party Hall. Pero may nakita na naman ako tao na nakatayo, di-kalayuan sa inupuan namin kanina ni Miss Callug.
"Gin?!" Mas niliitan ko pa ang mata ko para makilala ko siya. Si Gin talaga! Anong ginagawa niya dito?
Vote - Comment- be an awesome reader of this story.
Open for dedication. Just comment.💋
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...