As the time goes faster that we expected, we were shocked that the incident was weeks ago. A month passed by so easily. Ang Camping namin for the Outing Club ay mangyayari na bukas. So I'm packing right now for the 2 Days and 1 Night trip.
"Arrissa, are you sure you can do this? Puwede ka namang hindi pumunta dyan." Sabi sa akin ni Min. Hapon na kaya naka-uwi na kami sa dorm.
"It's alright, Min. Kaya naman."
"But what if something happen to you there?" Nag-aalalang tanong naman ni Vivian.
"Walang mangyayari sa akin, don't worry, girls. And we have our security there. They will not let something bad happen to us." I zipped my bag and putted on the side of my bed. Na-po naman ako sa kama ko.
"Although nothing happened this past few weeks, I'm still concern about our security. Not that I doubt it but look at what happened to that boy!" She explained.
"Vivs, we know that you are just concerned about our well-beings. But Arrissa can handle herself very well. Right, Arrissa?" Adrialyn winked at me. I smiled at her as a sign of gratitude.
"Oo nga naman, Vivian. Kayang-kaya ni Arrissa 'yan! Basta ingudngod mo yung babaita na iyun sa putikan ah?"
"Tama! Kailangan pagdating mo diretso ka sa detention ah?" Segunda pa ni Min. I sighed. Eto na naman po tayo.
"Whatever, guys. Let's sleep. Magigising ako mamayang madaling araw, baka hindi ko na kayo magising pa bago ako umalis." Paalam ko sa kanila.
"Ahhh. Okay lang yun, Arrissa." Sabi ni Patty habang nag-aayos ng kumot niya.
"Oo nga. Basta mag-ingat ka ha?"
"Alam mo naman si Vivian, nanay natin yan." Biro ni Min. Nagtawanan kami habang si Vivian ay umabang babatuhin ng unan si Min.
"Hmp! Bahala kayo dyan! Sumama na nga kayo kay Arrissa nang tumahimik naman ang mundo ko, kahit isang araw lang!" Sigaw ni Vivian, pero walang halong galit ang boses nito.
"Lalala lalala." Min and Patty covered their ears while they kept on chanting that words.
"Patty, did you hear it?" Mukhang baliw na tanong ni Min. Luminga-linga pa ito sa paligid. Tawa naman ako ang tawa. Oo ako lang. Dahil si Clara at Adrialyn ay parehong nakatututok at ngiting-ngiti sa phone nila. Si Vivian naman ay busangot ang mukha.
"Wala akong naririnig, Min!" Engot na sagot ni Patty.
"Argh! 'Wag sana kayong magising ng maaga para hindi kayo umabot sa breakfast!" Inis na bulyaw sa kanila ni Vivian at nagtalukbong na ito ng comforter niya. Natigil ang dalawa at takot na tumingin kay Vivian.
"Vivs, bawiin mo yung sinabi mo!" Tumakbo sila Min at Patty sa gilid ni Vivian.
"Vivs, please, huwag ka namang ganyan oh." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Patty. Umakto si Vivian na parang walang naririnig at pinanindigan niya talagang natutulog na siya. Pineke niya pa ang paghihilik kaya mas lalong ngumuwa ang dalawa.
"Patta. Min, I heard that they will be serving goto and mami, tomorrow. It's really sad that you can't wake up early without our help. So I'll just describe the taste of it, want that?" Sabat ni Adrialyn. Hindi ito nakatingin sa kanila pero may panunukso sa ngiti niya.
"Oh God! That's what I've been dreaming for!"
"Hala! Goto!" Sabay na namang umatungal ang dalawa. Adrialyn snickered. Mukhang nakabawi na ito sa pambu-bully sa kanya nila Patty.
"Guys, go get some sleep. Just pray to all Gods that you will wake up early in the morning." Pagpapatigil ko sa kanila. Tumigil amg dalawa sa pag-iinarte at magkatinginan. Uh oh. Mukhang alam ko na ang binabalak nila.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Novela JuvenilPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...