"Wala kayong klase ng 11 O'clock hanggang 2 O'clock in the afrternoon." Mataray na sabi sa amin ni Ms. Panchili. Lihim naman kami'ng napa-ngiti.
"Pwede na kayo'ng umalis." Napasimangot ako sa sinabi niya. Hay naku kahit kailan talaga.
"Yes, Ma'am." Naka-simangot namin sagot. Nagsitayuan kami at lumabas. Ang sama pa ng loob ng iba kong kaklase, palayasin ba naman kami sa sariling class room namin.
Dumiretso ako sa likod ng Science Building, parang garden kasi ito eh. Sobrang ganda, ang daming bulaklak, halaman at puno. Madalang lang puntahan ito ng mga students kasi hindi mahaba ang oras ng free time namin at mas gusto ng mga iba na sa field na lang. Binuksan ko ang pintuan.
"Princess." Napa-face palm ako. Na naman!?
"Ano?!" Nanggagalaiting bulong sa kanya. Baka marinig kasi kami ng mga ibang estudyante sa Building at baka masaway pa kami.
"Hehe. Wala lang, sinundan lang kita kasi ang layo ng pupuntahan mo. Meron naman field bakit mas gusto mo dito?" Tanong ng Unggoy. I rolled my eyes, kailangan ba bawat kilos ng tao ay may magtatanong at kailangan sagutin ito? Hindi ba pwedeng walang tanung-tanong at manahimik na lang?
"Tahimik kasi ang lugar na ito. Ayoko duon sa field, masyadong maingay." Simpleng sagot ko at naglakad na papasok ng garden. Pagpapa-rinig ko na rin sa kanya, sobrang ingay kaya ng Unggoy na 'to
"Sige maiwan na kita. Mukhang kailangan mo ng pahinga. Gusto mo sunduin kita mamaya'ng 1:30 pm? Yayayain sana kitang mag-snack." Pagaaya nito sa akin.
"Salamat. Tatanggapin ko yang offer mo." Sagot ko ulit at binigyan siya ng simpleng ngiti.
"Bye!" Pagpapaalam nito at kumaway pa ang Unggoy.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad-lakad sa loob ng garden. Muntik na ako mapatili ng may muntik nang tumama sa akin na pana. Oh my Gosh! May mga Aetas ba dito na nanggaling sa Bundok!? Habang sapo-sapo ang dibdib ko nilapitan ko ang pumana, hindi ko kasi alam kung sino iyon. Nagulat ako ng makita ko ang isang bata'ng super cute! Naka-ngiti siya sa akin.
"Sorry po, Ate'ng Beautiful. Hindi ko po sinasadya." Pag-sosorry nung bata. Lumuhod ako para magpantay ang height namin.
Nakakagulat na mukha'ng foreigner ang bata pero nagta-tagalog. Medyo blonde ng buhok niya, blue ang mata, matangos ang ilong, maputi rin ito at sobrang familiar ng ngiti niya. Nakalimutan ko lang kung saan ko nakita ang ngiti na yan. Ugh!
"Why are you here?" Naka-ngiting tanong ko sa kanya.
"Pinapanood ko po kasi ang Mommy ko at yung mga Archers sa practice room nila. Yung iba nga po duon hindi masyadong marunong. Kaya hindi ko na po sila pinanood, pumunta na lang po ako dito." Paliwanag niya. Malawak na man ako'ng ngumiti, ang cute niya talaga ang sarap pisilin ng pisngi niya.
"Bawal bata dito sa University." I said to him and sit on the grass. Gumaya rin ito sa akin at nilapag ang bow and arrows niya.
"Tinignan ko nga lang po yung mga naglalaro ng Archery. Nagpunta po ako dito tas nakita kitang may kausap na lalaki. Nag-practice na lang po, eh napatingin po ako sa inyo. Nakalabit ko po yung bow ko kaya muntik na po kayo'ng tamaan. Sorry po talaga."
"Ahehe. Okay lang, hindi mo naman pala sinasadya." Napa-kamot ako ng ulo at napaisip kung saan ko nakita ang ngiti niya.
"You look good together." Napatingin ulit ako sa kanya at napakunot ng noo.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Fiksi RemajaPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...