Malapit nang mag-sem break. Halos 5 buwan na ang nakalipas, naging maayos naman ang lahat. Nakapag-exam kami ng maayos, maganda rin ang mga grades ko. Sila Miss Callug, maayos na rin. Minsan lumalabas sila ng University para bisitahin si Henry sa Nanay ni Miss Callug. Naging mas malapit rin kami nila Vivian, nakakapag-usap minsan ng seryoso tungkol sa mga pamilya namin sa labas. Hindi rin naman ako nagsinungaling sa kanila na lumayas ako sa bahay ni Mommy. Binigyan rin naman nila ako ng advice, pero siyempre hindi ko parin sila sinusunod. Kailangan ko talagang mag-isip ng gagawin. Si Ms. Panchili, ganun pa rin, sobrang sungit at maldita. Si Matthew, kami na!
Choss! Ganun pa rin, makulit palagi pa rin ako sinusundan. Parang bata talaga.
"A psychologist said that, being in a green setting or even glancing at a color green can make a person more creative." Turo ni Ms. Callug, tahimik kaming nakikinig sa kanya.
"So kailangan niyo'ng pumunta sa isang garden or sa field, para maging creative kayo. At ayan ang lesson natin, papatunayan natin ang sinabi ng psychologist. You can draw whatever you want, as long as you are more creative that your normal work."
"Yes, Miss." Sagot namin.
"You may now go." Naka-ngiting sabi sa amin ni Ms. Callug. Nagsitayuan naman kami at lumabas na. Isa lang ang nasa isip kong lugar. Ang garden, ang Science Garden.
----
"Hoy! Bakit ka nandito?" Bulyaw ko kay Matthew. Nadatnan ko kasi siya dito sa Science Garden.
"Ano ba! Dito po kaya ako."
"Sayo ba 'to, Princess?" Sarcastic na tanong niya, meron pa itong lakas ng loob na ngumisi.
"Hindi, pero dito ako madalas mag-stay." Mataray kong sagot.
"Mag-share ka ng spot. Malaki naman itong garden ah."
"Oo na, isaksak ko sa bunganga mo itong mga halaman eh." Naglakad ako malapit sa kanya at nag-indian seat. Napasinghap ako ng makita ang kagandahan ng Science Garden.
"Nakaka-miss si Henry." Walang-isip na sabi ko.
"Oo nga eh, nakaka-miss si bubwit." Sagot rin ni Matthew, napatingin rin ako sa kanya.
"Namimi-miss mong asarin." Mataray kong sabi sa kanya. Tumawa naman ito at nahiga.
"Para ko na rin siyang kapatid."
"Psh. Parang kapatid daw, eh kung ituring mo nga yung bata parang ka-away mo eh." Asar ko sa kanya.
"Well. Ganun talaga. Next topic, may sasabihin ako sayong sikreto." Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano yun?"
"Ganito muna, may itatanong ako sa iyo. Paano kung malaman mo na prinsipe pala ako." Sabi niya. Hindi ko naman napigilang tumawa ng malakas.
"I'm serious here, Princess."
"Hindi porket tinatawag mo akong Princess eh, Prince ka na."
"Please. Just listen to me." Paki-usap niya, tinakpan ko naman ang bibig ko at pinakalma ang sarili ko.
"Ehem. Umh. I don't know what to do or to say. But I'm gonna ask you, why are you here?" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Teen FictionPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...