Bad mood si Dean

22 3 0
                                    

"Attention: All of Winsley University Students have to come at the Auditorium."



Yan ang narinig namin sa speaker.





"Ay! Bonggey! Bad mood si Dean." Sabi ng bakla naming kaklase. Oo nga bakit may Dean is so fury pa?





"Okay, class, narinig niyo naman ang sabi ng announcer. Kailangan niyong pumunta sa Auditorium." Sabi sa amin ni Ma'am Magdan, tumango naman kami.



"Ma'am, samahan mo kami." Request ng isa naming kaklase. Nag-agree ang iba, kaya walang nagawa si Ma'am kung hindi sumama.



----





"Good morning, Winsley students." Pagbati ni Dean.





"Good morning, Dean." Pagbati din naming lahat. Nakita ko si Miss Callug sa unahan, naka kandong sa kanya si Henry. Katabi naman ni Miss Callug si Sir Hendrix at ang iba pang mga teachers.



"Siguro naman ang iba sa inyo alam na kung bakit ko kayo ipinatawag ngayon. Tumayo nga ang mga nadatnan ko sa Canteen kahapon ng alas nuebe ng umaga. Tayo!" Sigaw ni Dean, natatarantang tumayo ang mga kasama.







"Mga stupido! Sino nagsabi sa inyong pumunta kayo sa Canteen ng 9:00 am?!" Sigaw na tanong ni Dean.



"Wala po, Dean." Naka-yukong sagot nila.





"Sige! Umupo kayo sa gilid at may parusa ako sa inyo mamaya." Utos sa kanila ni Dean.



"Wala ng matinong level sa inyo!"





"May mga nagi-spy rin dito sa loob ng University. Akala niyo siguro walang nakakaalam sa kalokohan niyo noh? Pagkapasok na pagkapasok niyo pa lang dito sa University alam ko na ang mga background niyo."





"Kaya kung sinong hudas man ang espiya dito. Mag drop-out na kayo ka-agad dahil hindi niyo alam ang kaya kong gawin." Pagbabanta ni Dean.



"May isa pa! Ang mga tamad, hindi ako kumuha ng Staff para sa Canteen para pagsilbihan kayo. Kinuha ko sila para panatilihing malinis ang mga pagkain natin. Pero iba ata ang alam niyong ibig sabihin ng trabaho nila."



"Mga stupido! Mga tamad! Kung ayaw niyong gamitin ang mga kamay niyo para kumuha lang ng pagkain. Akina, ako na ka-agad ang puputol ng mga wala niyong silbing kamay." Tumigil si Dean sa pag-sasalita. Biglang lumiwanag ang mukha niya at tumingin sa gawi nila Ms. Callug.



"Ipapakilala ko nga pala sa inyo si Mr. Archer Hendrix Audsley. Siya ang bagong Coach ng Archery. Ipapakilala ko rin pala sa inyo ang anak nila ni Ms. Likarella Callug, si Henry Audsley!" Masayang salita ni Dean, halatang excited sa apo-kuno niya. Tumayo naman sila Sir Hendrix at Henry.





"Apo, introduce yourself." Mahinang sabi ni Dean kay Henry. Lumapit naman sa mic si Henry.





"Good morning po! My name is Henry Audsley. I really like Archery like my Daddy." Masiglang bati ni Henry, inilibot niya ang paningin niya sa amin. Lumaki ang mata niya ng makita ako.



"Hi! Ate Arrissa!" Sabi nito at kumaway pa. Wala akong nagawa kundi kawayan rin siya.





"Princess, bakit ka ba nakikipag-usap sa bubwit?" Nakasimangot na bulong sa akin ni Matthew. Sa kasamaang palad, dito siya tumabi sa akin.





"Tsk. Tigilan mo ako, unggoy ah. Ang aga aga nangungulit ka na naman. Para ka pang bata." Inis na sabi ko sa kanya, lalo itong sumimangot. Pero inirapan ko na siya.



Vote - Comment - Be an awesome reader of this story. God bless and happy sembreak!!!

Open for dedication. Just comment.💋

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon