"Class. Break na muna, bumalik na lang kayo mamayang 2:00pm." Sabi sa amin ni Miss. Sabay-sabay naman kaming tumayo. Tumingin ako kay Gin na bahagyang inaayos ang polo niya.
"Gin. May kasabay kang mag-lunch?" Tanong ko sa kanya pero may sumingit namang unggoy.
"Ako walang kasabay." Sabi ng unggoy.
"May kasabay ka, wag kang praning." Hinila ko naman ang kamay ni Gin at lumabas na kami sa room.
--
"Sino yang kasama mo?" Tanong ni Vivian.
"Si Gin De Guzman, classmate ko." Naka-ngiting pakilala ko sa kanila, nagulat naman sila Vivian. Si Clara naman na naka-talikod sa amin, nasamid sa kinakain niya.
"Water! Jeez." Iniabot ka-agad ni Adrialyn ang tubid kay Clara. Nang mahimas-masan naman si Clara, gulat itong napatingin sa amin ni Gin.
"G-Gin..."
"Clara." Nakangiting sabi ni Gin. Nagtatakang nilipat-lipat ko ang tingin ko kay Clara at Gin.
"Magka-kilala kayo?" Inosente kong tanong sa dalawa, nagkatinginan naman ito.
"No! Do you really have to ask that non-sense question?" -Clara
"Yes! Thank you, you asked that question."-Gin
"Huh?"
"Oh my gosh! I will kill that man." Naghi-hysterical na si Clara. Tumawa naman si Gin.
"Let's go, Arissa." Hinila naman ako ni Gin kahit takang-taka pa rin ako sa mga nangyayari.
--
"What?! You and Clara are in a relationship before?" Sigaw ko sa kanya. Nandito kami sa field, matagal pa naman bago kami bumalik sa room. Bago kami pumunta dito, dinala muna ako ni Gin sa isang convenient store para kumuha ng pagkain. Ang astig talaga dito sa University kahit anong pagkain pwedeng kuhanin, tataba na ako neto. Wag kayong mag-isip ng masama tungkol sa akin, hindi po ako patay gutom. Kung patay gutom ang tingin niyo sa akin, ano naman ang tawag niyo kay Clara na oras-oras kung kumain.
"Yeah. Hindi ko alam kung ginamit niya lang ako o minahal niya talaga ako.
"Sh*t. I really don't know." Ginulo naman niya ang buhok niya.
"Pero mga bata pa lang kayo dati."
"Kailangan ba nasa tamang edad ka para magmahal?"
"Hindi. Baka naguguluhan lang si Clara dati kaya siya nakipag-break sa iyo." Hindi ko kasi alam kung paano mag-comfort ng taong brokenhearted.
BINABASA MO ANG
First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)
Novela JuvenilPogi? Check!✔ Mayaman? Check!✔ Maraming nagha-habol pati na aso? Check✔ Konti lang yan sa 100%✔qualities ni Matthew Salvine. But wait there's more! Prince of The Royal Family of Harrington. The Kingdom of smile, kindness, and peace! Thank you!!! Che...