The Gift Inside the box

40 3 0
                                    





"Ano to?" Nagtataka kong tanong sa kanya, ngumiti lang ito at sumagot.











"Just open it." Sagot ni Matthew at pinapanood ang susunod kong gagawin. Tinignan ko ang box at sinimulang buksan. Napasinghap ako pagbukas ko ng box.









Wow!









"Necklace." Tanong ko habang tinitignang mabuti ang necklace. Gold ang necklace, simple lang ang style pero sobrang ganda ng pendant. May maliit itong tiara na parang nakita ko sa ulo ng Disney Princess na napanood ko dati. Ang design naman ng tiara ay sobrang elegante, may mga kumikislap na bato sa magkabilang gilid at sa pinakatuk-tok ng tiara. Kaya mas nilapit ko pa ang ulo ko sa pendant para matignang mabuti ito.











"Ano itong mga bato?" Tumingin ako kay Matthew na kumakain ng masaya habang nakatingin sa akin.









"Diamonds." Nanlaki ang mga mata ko pati na rin sila Mindi habang yung Jason alam niya na ang laman nun at si Matthew naman ay wala lang sa kanya na nagbigay siya ng isang expensive na neclace. Kinuha ko ang baso ng tubig at nilagok ka agad ang laman. May necklace ako'ng sobrang mahal pero hindi ganito ang design bigay nI Mommy sa akin nung pag balik niya. Siguro mas mahal pa ito. Pero bakit ako bibigyan ng unggoy na ito? Bakit ako bibigyan ng isang lalaking hindi pa ako masyadong kilala?





"Mahal to, unggoy. Paano ka nakabili nito?" Tanong ko dito. Hindi talaga ako makapaniwala na bibigyan ako ni Matthew."Binili ko yan dati pa, naalala ko lang kaya naisipan kong ibigay sa iyo yang necklace." Paliwanag nito, pilit ko na mang hinuhuli ang tingin niya, pero umiiwas.Tinignan ako ulit ang necklace at ibinalik sa box. Napasinghap naman sila Adrialyn sa ginawa ko, siguro alam na nila ang gagawin ko. Iniayos kong mabuti ang necklace sa box at ibinalik kay Matthew. Nalaglag naman ang panga niya at gulat na tumingin sa akin.







 Umiling ako at nagsalita."Hindi ko matatanggap ito, Matthew. Sorry, pero hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit mo ako binigyan ng ganyan at hindi ko rin maintindihan ang paliwanag mo. Siguro pag nasagot no na ang tanong ko ay matatanggap ko na iyan." Seryoso ko'ng sabi sa kanya, lumungkot naman ang mukha nito. Na-guilty ako ng makita ko ang mukha niya. Pero hindi ko talaga ito matatanggap baka makulong siya dahil sa necklace na iyan sayang pogi pa naman. 













 Ha?! Pogi!? Sinabi ko ba iyon? Kunyari wala akong sinabi!











 Lihim akong napailing dahil sa kabaliwan ba iniisip ko. Kinausap ko ang sarili ko. Naku! Arrissa, tumahimik ka dyan kung anu-ano ang iniisip mo."But..." 





"No. Just give that to your mother, it looks like a crown. I'm pretty sure she'll love that." Pagche-cheer up ko sa kanya, kawawa naman pag nalungkot ito isang ito kaya nasabi ko iyon. 







 "But this is not a crown or necklace for queen, it's for a princess, a princess like you. And you are my princess." 





 ---- 







 "Ms. Vincent, are you listening to me? You're spacing out, is there any problem? I can help you with that, just talk to me." Sabi ni Mrs. Magdan, nag-aalala na pala ito sa akin kasi kanina pa ako tulala. Dali-dali ko namang inayos ang sarili ko at ang upo ko sabay tingin kay Ma'am. 









 "Nothing, Ma'am, thank you for your concern." Sincere akong ngumiti dito, ngumiti rin naman ito. 







"Don't be hesitate to talk to me if your having a trouble."







First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon