Untitled Part 37

14 1 1
                                    

"Miss Vincent, pinapatawag ka ng Principal." Gulat akong napatingin sa lalaking nasa pinto. What?

"Huh?"

"You are up for disciplinary action and detention." Seryoso nitong sagot. Nagbulungbulungan naman ang mga kaklase ko. Napatulala ako. Bakit?

"May I know why are you giving my student a disciplinary action?" Matapang na tanong ni Miss Callug. Tiyempo pa na siya ang lecturer namin ngayon.

"Miss Bacani told us that something happened in your outing? You pushed her on the ground. Nagsumbong si Xindy sa Student Council at nakarating na ito sa Principal's Office." Paliwanag niya. Talagang hindi ako titigilan ni Xindy!

"Ngayon na?" Mahinang tanong ko. I clenched my fist to stop myself from lashing out.

"May choice ka ba, Miss Vincent? Principal na ang nagpapatawag sa iyo." Sarkastikong sagot nung lalaki. Aba't!

"Mister, umayos ka nang pagsasalita mo. You have no rights to answer like that, let me ask you, may nagawa ba si Miss Vincent sa iyo? Para kang hindi nag-aaral sa ugali mo." Panenermon sa kanya ni Miss Callug. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Bars, bitch!"

"He choke, men!"

"Ano say mo ngayon, kyah?"

Tumikhim ito. "Sorry, Miss. Pwede ko na po bang sunduin si Miss Vincent? Kakausapin pa po kasi siya ng Principal."

"Miss?" Tawag ko kay Miss Callug.

"Go, Arrissa. Balitaan mo kami agad pag may nangyari ah?" Pagpayag ni Miss Callug.

"Thank you po, Miss." Tumayo ako at hinagilap ang mga gamit ko.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa likod ko. Nakita ko si Matthew na nakatingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Princess." Mahina niya tawag sa akin.

I smiled cheerfully. "I'm alright." Tumango ako sa kanya at kay Jason, pati rin si Gin.

"Go, Arrissa! Kaya mo 'yan!"

"Nandito lang kami reresbak para sa'yo."

"Tatambangan natin 'yan sa may field."

Pagchecheer sa akin ng mga kaklase ko.

"Thanks, guys." Ngumiti rin ako sa kanila.

"Students! 'Wag kayong magsalita ng ganyan sa ibang tao. Mamaya kung ano pang isiping masama tungkol sa inyo. Mamaya na kayo mag-usap, yung kayo-kayo lang ang nakakarinig." Kindat ni Miss Callug sa kanila. 'Kala ko naman ay seyoso na si Miss. Hay.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga baliw ko kaklase. Ang galing galing talaga nila. Tsk.

"Miss Vincent." Bati sa akin Mrs. Taryaga, naka-upo ito sa likod ng lamesa niya at nakadaup ang dalawang palad.

"Mrs. Taryaga." Magalang kong bati pabalik at yumuko.

"Have a sit, Miss Vincent. Mamaya pa ang dating ni Miss Bacani, kaya tayo muna ang mag-uusap." Tinuro niya ang upuan sa harapan niya.

"Opo, Mrs. Taryaga." Umupo ako sa tinuro niya silya at tumingin sa kanya.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit kita pinatawag dito, Miss Vincent?" Panimula niya. Tumango ako bilang sagot.

"Naka-abot sa amin ang aksidenteng nangyari, kung ito ay matatawag mong aksidente. Hindi ko matago ang pagkadismaya ko sa ginawa mo, Miss Vincent. Your overall performance in class are great. Walang masyadong reklamo sayo bukod sa ilang sagutan niyo ni Miss Panchili." Nagbuntong hininga siya. Hiningal siguro.

First Love of A Royal Prince (Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon