“Kuya, gising na!”, sabay tanggal ng kumot mula sa pagkakaidlip.
“O anung meron?”, bigla kong naging tugon nang ‘di gaanong maidilat mga mata.
“Wala lang, gusto lang kitang batiin.”
Agad akong napalingid sa may kalendaryong nakasabit sa pintuan. “Ah, naku ngayon pala, salamat.”
“Hala… Pati ba naman yan nalimutan mo, kuya?”
Napatawa na lang ako nang marahan sa sinabi niya.
“Tatanda ka na rin kuya. Ala pareng jowa.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Ala uy, ambabata pa natin.”
Kung may darating nga.
“Eto naman si kuya oh, ‘di mabiro,” sabay kanyang pagngisi.
Binuksan na namin ang pintuan habang suot suot ang noo’y tsinelas na kabibili lang namin sa bangketa. Pababa na kami nun nang may marinig kaming nag-aalitan.
“Alam mo namang ang mahal mahal ng bilihin natin tas aaksaya mo pa sa alak mo!” paghuhumyaw ni Inay.
“Palibhasa problema sa’yo ‘di ka nakikinig eh!” pangangatuwiran naman ni Itay.
“Lunod na tayo sa utang ‘tas inuuna mo pa ‘yang bisyo mo! Ang aga-aga nabubwisit nako sa’yo!”
Pumakli ako. “Ma, tama na nga yan!”
“Wag kang mangialam sa usapang matanda, ha?!” sabay turo sakin. “Nahuli kana naman ng gising kakaselpon mo!”
“Ma, naman, kakagising lang ng tao. ‘Di paba kayo nagsasawa paulit ulit na lang ‘to?”
“Sabihin mo yan sa tatay mo!”
Tumalikod na lang ako. Nakakaumay na rin kasing magpaliwanag pa kaya umupo na lang kami noo’t kumain ng inihanda naming sunny side up nang may binulong sa’kin si bunso.
“Kuya, diba sinabi mo aali-”
“Oo, kailangan,” paniniguro ko. “Eto lang kasing si Nanay eh, ayaw akong payagan.”
“Pede ko naman siyang pakiusapan kung gusto mo.”
“Kaya mo ba?”
“Masubukan…” sabay punta saming kusina.
“Ayaw daw,” diretsahan niyang sabi nang bumalik ito.
“Ako na kakausap sa kanya,” kumunot ang aking noo sa naging tugon ni bunso pero ba’t pa ba ako mabibigla?
“Ma, payagan mo na ako. Sige na, pangako babalik din ako.”
“Napagusapan na natin ‘to kagabi, Lance. Di nga pwede, may pupuntahan ako,” mariin niyang tugon. “At saka walang magbabantay dito kay Nene.”
“Edi isama mo siya.”
“Bawal nga,” palalim niyang pagtitig sakin. “Nakakahiya sa kasama ko dun.”
“Ako na sasama. Sige na. At tsaka birthday ko naman ngayon kaya, baka naman pagbigyan.”
“Ay, birthday mo pala ngayon?”
Medyo nakakadismaya rin. Sa mga nakalipas kasing mga taon, eh malabong maalala nina Mama ang kaarawan ko, maliban na lang kung sinasabi ko. Ewan ko nga ba sa kanila kung ni edad ko’y alam nila.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...