Nang araw na iyon sa kabutihang palad ay pinayagan naman ako ni Inay na mamalagi kina Rachel. Pakunwaring magwhowhole day lang kasi sa kaklase para sa isang group project pero umalis na nga ako nun mga tanghali na. Medyo naninilim na’t maitim ang kaulapan sa labas kaya’t nagdala ako ng payong. Tulad ng tinext niyang address ay nakarating din ako sa kanyang casa. Aba lumipat na pala sila ng subdivision ah.
“Tao po?” tanong ko nang magdoorbell ako sa kanilang gate.
Masyadong mataas yung gate nila. Bah ano bang klaseng masasamang loob pa ba ang sasalakay dito?
Nang marinig ko ang paghiyaw ng pinto’y saka ako sinalubong ni Rachel ng maaliwalas na pagbati.
“Uhm- upo ka muna. Ipaghahanda muna kita ng dessert,” giit niya sakin saming pagpasok at saka na siya dumiretso sa isang sulok.
Sadyang may kaya naman talaga ang pamilya niya’t makikita mo naman sa living room pa lang. Makulay at ankikintab ng ang mga palamuti. At meron pa silang parang money plant na nilagay sa isang cabinet. Napaupo na lang ako sa sofa habang nagmasid-masid. Meron pang pailawan sa taas at saka gawa sa kristal ang lamesa na may nakapatong na litraro ng tila Koreano. Sa harap ay tila nanunuod ito ng palabas sa TV. Naalala ko tuloy si Clarissa at ang kwarto niya nun. Sa cabinet ay makikita naman ang mga nakapatong na mga picture frames nilang magpamilya. Naks, mukha talagang masayang pamilya sila.
“Ganda pala ng bahay mo ‘no?” pamuri ko sa kanyang pagbalik dala-dala ang mga sinabi niyang mga cookies na kanyang ibabake na nakalagay sa isang plastic bowl na lalagyan.
“Ay naku salamat,” giit ko’t inilatag niya noon sa mesa. “Kakalipat lang namin kasi nitong buwan lang.”
At kumuha na nga ako ng isang piraso mula sa bowl dun, anlinamlam nga eh.
Kumindat siya. “Marami pa naman dun sa kusina kaya wag na mahiyang ubusin yan.”
“Ay naku hindi na… este… nakakahiya naman,” pangisi kong sabi.
“Pramis, kung nasasarapan ka naman, ba’t hindi? Para naman yan sayo eh,” palalim nitong tingin.
Tumango na lang ako. Nagpanilay nilay sa paligid habang ngumunguya. Tumayo ako’t naglibot libot hanggang sa mapadpad ako sa kusina nang makita ko doon si Rachel na nakaupo’t kumakain din ng cookies na binake niya.
“Masamahan na nga kita,” sabay aking pagupo.
Kinapkap niya ang braso ko. “Ay siya nga pala, musta ang game niyo?”
“Ayun postponed,” sabay pagnguso ko. “Teka, wala ka pala nun.”
“Oo, meron kasi kaming birthday na inattend nun. Pinsan ko,” tugon niya. “Pero teka anu ba- ba’t nasabing postponed?”
“May nangyaring pamamaril kasi. Muntik pa akong matamaan eh.”
“Hala eh, ‘di ka naman napa-ano?” sabay pagkiling nito ng tingin saking pisngi.
“’Di ah. Makakapunta pa ba ako dito kung…” padiretso kong sabi.
Agad siyang tumayo nang umasta siyang tila may biglang naalala. “Ay weyt lang.”
“Ok ka lang dyan?” sabay pagkiling ng pagdilat ko sa kanya habang tumitingkayad siya na tila may hinahanap ito.
“Ah, oo, teka lang,” tugon niya’t saka may kinuha na siya’t isinara ang pintuan ng ref.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Novela Juvenil*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...