“Kuya?” mayuming tanong ng isang tila boses bata.
Bumango’t lumingon ako nang matanaw ko ang isang nakasuot ng puting bestida na abot hanggang talampakan. Mahaba ang kanyang buhok ngunit ‘di ko maaninag ang kanyang mukha. At saka bakit makulimlim ang paligid.
“Si-sino ka?” dagliang tugon ko.
“Ako to kuya,” dahan-dahan itong lumapit sakin.
Nang mapaharap ako sa kanyang direksyon ay agad itong yumakap saking tagiliran.
“Miss na miss na kita, Kuya,” nagsusumamo niyang wika habang patuloy na isinandal ang ulo nito.
Napatulala ako nang marinig ko yun. Ano bang nangyayari?
“Di mo ba ako naaalala? Kuya ako to,” agad itong tumingala sa kanyang pagkakayakap.
Sinubukan kong lingapin ang kanyang mukha nang malapitan ngunit sadyang anlabo pa rin. Mararamdaman ko ang banayad sa kanyang buhok habang nilalamyos ko ang kanyang ulo.
“Kuya, bili tayo!” agad niyang hinila ang kamay ko’t sabay na naglakad sa direksyon ng kanyang tinuro.
Wala talaga akong ideya kung anung iniisip niya hanggang sa may makita kaming isang kiosk na bumungad dun.
“Masarap ba, Kuya?” tumingin siya sa’kin makaraan ng ilang sandali.
“’Yung alin ba?” pagtataka ko.
“Fishball, kuya… Kabibili lang natin eh,” saka ito umagikgik na animo’y kinikiliti.
Pero wala naman akong kinain o hawak-hawak sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kutob. May tinutukoy ba siyang tanging siya lang ang nakakaalam?
“Kuya, promise mo sa’kin ‘di mo’ko iiwan ha?” nang tumitig ito ng masigasig sakin na tila unti-unting lumalabo ang paningin ko sa kanya.
Kinamot ko ang aking mata sa pag-aakalang namamalik-mata ako… “Annika? Annika!”
Napasigaw ako nang tila umiba ang paligid saking pagkisap. Lumingon ako nang makita ko si Inay na naglilinis noon ng aparador gamit ang feather duster.
“O, wala kang klase ngayon?” tanong niya nang lumingon ito matapos niyang mapansin ang pagtayo ko.
Bahagya akong nadismaya sa nangyari.
“Nakita mo si Annika, Nay?”
Napakamot siya sa sinabi ko. “Binabangongot ka na naman, Pael. Rinig ko nga kagabing panay sigaw mo eh.”
“Hala ano sabi ko?”
“Wala. Di ko maintindihan. Pero yung tunog parang iiyak eh.”
Kinibit balikat ko na lang yung sinabi ni Inay, saka niligpit yung foam na ginamit ko sa pagidlip.
“Sadyang pagod lang po talaga yan, Nay. Wag niyo na po akong alalahanin.”
Matalas na tumingin si Inay sakin habang inusog nito ang aparador.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Novela Juvenil*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...