Kabanata 17

3 2 0
                                    

Dumating na rin ang Sabado, ang araw na magsisimula ang mga palaro ng playoffs. Matapos ang halos dalawampung games sa ilang linggong pakikipagsapalaran namin sa exhibition ay nakamit namin ang ika-5th spot out of twenty schools na nakalaban namin. Medyo nakakapagod rin kasi sunod sunod ang mga games, pero kahit papano'y worth it naman dahil ngayo'y semi-finals na't sino bang magaakalang haharapin namin ang school ko nung elementary sa seryeng best-of-3. Nang papasok na kami sa field ay tanaw na tanaw ang mga estudyanteng nakahilera sa mga upua't dala-dala ang inihandang mga props at bandana.

"Tandaan niyo lang brad. Keep an eye sa def," paanunsiyong giit ko. "Medyo aggressive silang maglaro."

Nakakagaan din sa feeling kasi malamang kahit 'di ako yung captain ball ng team niyo eh, crucial pa rin yung presence at skill mo sa game. Habang bumibihis kami't nagpapakondisyon ay makikita ang mga nakasama ko noon. Malamang 'di dapat makawala si Christian yan. Galing yang magopensa eh. At meron ding mga bago yata... mga 'di ko namumukhaan. At nagkamayan na nga kaming mga kapwa manlalaro ng bawat koponan. Napakunot na lang ako ng noo nang matanaw yung ibang tila anlalim ng titig sakin.

"Galingan mo unggoy," palarong kutya ni Christian.

Napapusnga ako sa sinabi niya. "Ikaw din, chickboy."

Sa kalagitnaan ng first half ay kapwa bokya pa rin ang iskor kaya medyo nakaramdam nako ng desperasyon dahil sa naging ilang attempts namin. Isang beses nang tinakbo ko ang bola papunta sa goal ay bigla akong matapilok, dahilan kaya nawala ko ang possession sa bola. Medyo malakas yung naging tama ko kaya napanguyngoy ako habang hawak hawak ang aking tuhod na tila namumula't may lumalabas na batik ng dugo. Bahagya akong nagpaika-ika ng lakad dahil sa tila sumisipsip ang kirot saking balat. 'Di bale na, konting sugat lang 'yan.

"Tingin tingin kasi," sumbat ng isang manlalaro nang bumaling ako ng tingin sa direksyon ng tunog.

Nang titigan ko siya pabalik ay mahihinuha kong 'di ko pa siya nakita noon. Malamang 'yung baguhan.

Bahagya akong nainis sa kanyang pangasta. 'Di ko na pinansin yun dahil kinumbinsi ko na lang ang sarili na baka aksidente lang nga mapatid niya ako. Ambilis kasi ng pangyayari para malingap mo 'yun.

Kung akala ko'y yun na ang huling disgrasya'y nagkakamali ako. Nang pinasa sakin ni Paolo ang bola't akmang tatakbo't bibigay sa kabilang kakampi'y may biglang sumiko saking likuran kaya napalugmok ako ulit. Saglit akong natigilan nang may biglang umunat sa balikat ko't tumingala ng tingin nang makita ulit ang parehong manlalaro na nakasalubong ko nang matapilok ako.

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon