Kabanata 21

4 4 0
                                    

“Good morning po, Ma’am. Is Mr. Humabon here po ba?” salubong ni Ma’am Reyes, ang academic head ng school, saming silid isang araw habang nakaupo ako nun sa lecture ni Ma’am Yap.

“Lance, tinatawag ka,” giit ng adviser namin.

“Yes po, bakit po?” saka ako nagtaas ng kilay.

“Gusto kang kausapin ng principal.”

“S-sige po,” patulala kong sagot.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi ni Ma’am. Baka kasi kung ano na namang sanction o violation sakin.

“Goodluck brad,” pakutyang sabi ni Rico.

“Hala ka, Lance,” dagdag ni Paolo habang paalis ako sa room. 

Nang makarating ako sa office kasama ni Ma’am Reyes ay sinalubong ako ni Ma’am Ocampo, ang school principal, doon habang na nakaupo sa isang desk.

“Have a seat, Mr. Humabon,” bati ng principal saka na isinara ni Ma’am Reyes ang pinto.

“So, how are you doing na, Lance?” tanong niya habang niyayapos nito ang mga kamay nito’t sinandal sa kanyang baba.

“Ok naman po,” pagtango ko.

Dahil ano pa naman itutugon ko diba?

Saka na siya may kinuha sa kanyang drawer na parang mga nakaclip na papeles. “Good to hear, Lance. So kasi pinatawag kita ngayon because I have received a written complaint from a parent of a particular student from another school… na you have physically threatened him.” 

Grabe kahapon lang yun ambilis makasumbong ah. Malamang si Anthony na naman yan. Sino pa nga ba?

“So, I want to ask you, Lance, to confirm if this accusation is true?” tanong niya’t saka ito kumiling ng ulo.

“Eh, Ma’am, wala naman po akong intensyong manakit,” bulalas ko.

“At saka he claims na sinakal mo daw sya,” dagdag niya’t habang nakangiwi. “And here’s a footage from the comshop.”

Natahimik na lang ako habang pinakita niya sakin ang video ng nangyari. Medyo kinilabotan din kasi ako sa pagkausap ng principal.

“Ma’am, maniwala po kayo. Di ko po yun intensyon,” nararamdamang kong nanlalamig ang mga kamay ko. “Siya naman po talaga yung nauna?”

“But base sa video, it seems na ok naman yung pagapproach niya sa’yo, kaso bigla mo lang siyang sinugod.” 

Malamang ‘di mo kasi Ma’am naririnig. Mga ebidensiya talaga.

“Ma’am, try niyo pong icheck yung mga naunang footage bago ang ito, paseryoso kong tugon saka tinuro ang nagpaplay na video sa kanyang laptop. “Nasisiguro ko po kayong siya naman talaga yung nagsimula.”

“Lance, naiintindihan ko naman sa part mo na maaccuse ng someone about something at alam kong mahirap harapin,” marahan itong ngumiti’t napatalon ng kilay.

Yumuko na lang ako. “Sorry po, Ma’am, pangako ko pong di na mauulit.” 

“Meron pa ba kaming dapat malaman tungkol sa nangyari?”

“Yun lang naman po, Ma’am, kasi po, Ma’am, hindi naman ako nagsimula ng gulo,” katuwiran ko’t habang ginagalaw-galaw ang mga kamay. “Siya naman talaga po yung nagpagalit sakin habang nauupo lang ako dun. Kaya ko lang naman nagawa yun kasi sumosobra na siya. Inaasar niya lang ako’t saka pinaulanan ng suntok.”

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon