Kabanata 23

5 4 0
                                    

“May mga karagdagan lang kaming mga katanungan sa’yo, Sir.”

“Sige lang, Sir,” patamlay kong tugon.

“Bale football player po kayo, tama?” patuloy ni Miss Elizalde.

“Tumpak Sir.”

“Meron ka bang relasyon sa kay Mr. Gracia?”

Gracia pala yun.

“Wala po, Sir. ‘Ni di ko nga alam pangalan niya hanggang sa sinabi niyo.”

“Ok. Sino nga ulit itong mga nakasama mo nang gawin ang recording?”

“Mga team players po, lahat kami.”

“At sino yung nagrecord?”

“Daven po, Daven Bracamonte.”

Saka siya sumandal ng braso sa mesa namin. “Base sa natandaan mo o nalaman mo, bakit parang tila putol yung recording? Yung sa unahan.”  

“‘Nu pong ibig niyong sabihin, Sir?”

“Kung pakikinggan ko ulit, lalo na ‘yung simula, putol ang naging usapan niyo.”

“Ah, sinabi niya kasi sakin na diyan niya lang daw nasimulan yung pagrecord kaya ganun po.”

“Bale sinasabi mo bang biglaan yung pagtawag?”

Tumango ako.

“Sige, ok na po Sir. Inform ka na lang namin, Sir, kung meron na kaming update, pero yung recording na ‘to ay kasalukuyang lead sa case ng pagdukot ng kapatid mo.”

Nagkakutob akong ‘di malayong magkaugnay ang naging kaso ng shooting at pagdukot.

Napahinga ako ng malalim. “Salamat po, Sir. Maaari ko po bang malaman yung impormasyon pa sa pagkawala ni Annika?”

“Kasalukuyan pa kasi naming nirereview ang video kaya ‘di pa talaga kami makakapagbibigay ng detalye pa sa ngayon.” 

“Sige po Sir, good afternoon.”

Dali-dali na akong nagbitbit ng mga gamit ko pauwi at nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Nanay na noo’y nagwawalis sa bakuran.

“Oh, kumusta?”

“Ok lang naman?” diretso akong palakad-lakad ng kuwarto ko.

“Yun lang ba?” napakunot ito ng noo. “Kuwentuhan mo nga ‘ko anong nangyari?” 

“Ah, tinanong lang naman nila ako, Ma, tungkol sa recording at yun na ang main lead nila sa kaso,” paliwanag ko’t saka na isinara ang pinto. “Magpapahinga lang po ako.”

Dumiretso nako sa kama ko’t napahiga. Matik tinatamad pakong magpalit ng damit dahil sa pagod. 

Nang icheck ko ang phone ko ay wala namang gaanong message maliban na lang sa nagchat si Clarissa sa class gc namin kaya chineck ko. Ah, assignment lang pala sa AP. Dun na lamang nagflashback ang mga panahon naming noong nagkakausap pa kami sa chat na siya nga noon talaga yung nauuna’t nangungulit eh. Nakakamiss pucha. Kaya chineck ko ang chat namin. Syempre malikot yung isip eh. Kakausapin ko sana siya nung mapansin kong wala yung nakagawiang slot sa chat box na dun ka magchachat pero sa halip ay may nakasaad na.

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon