“Uy, grabe ka. ‘Di ka man lang basta nagpaalam,” pabirong sabi ko kay Clarissa nung isang umaga nang magkasalubong kami sa hallway ilang araw matapos ng sembreak namin.
Dire diretso siya sa paglakad nang mag-isa habang nakatitig na lang ako sa kanya nang nakangiwi. Pilit ko mang magkunwari’y wala eh. Sadya akong nababahala sa naging kilos niya. May nagawa ba talaga akong di kaaya-aya sa kanya? Este, diba parang may something yun? Medyo naguguluhan nga ako o sadyang kumakalam na talaga ang sikmura kong nananabik ng meryenda.
“O, di pa rin kayo nagpapansinan?” nakangusong tanong ni Rico na kakapasok lang sa silid habang nauupo ako.
“Ang alin?” bigla ko ring tanong habang patuloy na ngumunguya ng binili kong kikiam.
“Si mahal mo,” lalo pa itong napanguso’t kumukunot na ilong. “’Di yata kayo magkasama kanina eh. Hiwalay kayo ng mesa.”
Parang mahihinuha kong si Clarissa ‘yung tinutukoy nila kasi pa’no ba namang siya lang ang tanging close ko na babae sa silid. Yung close na close.
“Ah, siguro may mga personal na problema lang yun. Asahan mo mag-uusap din kami niyan,” pangngumbinsi ko nang gumagala ang paningin ko.
“O baka ikaw ang problema nun?” paasar na singit ni Paolo.
Kumamot si Rico ng leeg. “Panu ba naman yan? Eh, kalat na kalat na kasi dito sa campus yung tungkol sa inyo ng dating kaklase mo? sa kabilang school.”
Lumingon ako’t kumilay sa huling nagsabi nang halos may laman pa ang bunganga ko. “Grabe kayo. Undas na undas ang salubong ah.”
“Eto oh, teka…” kinuha niya ang selpo’t saka nag-iscroll sa mga picture nito.
Takti puro shoti yung laman ng gallery niya.
“Hala ba’t pa’no nakaabot yan sa inyo?” tanong ko’t saka kinagat ang sariling labi nang ipakita ni Rico sakin yung picture namin ni Rachel nung game.
“Eh balita ko, may nagpost kasi ng pic sa epbi mula sa mga mutual na rin nang mapansin naming parang ikaw,” tugon niya.
“Grabe, antamis ng unang halik,” pahikhik na wika ni Paolo.
Kaya ayun, mapipigil mo pa bang mang-ulol ‘tong mga kasama mo?
“Ano bang ngalan nung babae? Rachel?”
“Bah ganda tandem. La-chel,” singit ni Rico.
“Grabe nito anlutong gumawa ng pangalan,” kutya ni Paolo.
“Eh ikaw kayang magsuggest. Kala mo kun-”
“Tama na nga yan,” sambulat ko’t sabay na tinapik ang mga palad ko saking baba. “‘Di dapat ‘to mangyari.”
“Mukhang halata nga eh… feel ko may di magandang mangyayari,” tugon ni Paolo habang tila tumatalon-talon ang kanyang kilay.
“Hindi nga, malalagot ako nito.”
Lalo na yung Anthony na yun. Bobong pikonin naman.
“Eh, hindi niyo ba ako tutulungan?” paaba kong dagdag.
Kumunot sila ng noo’t ilong. “Kaya mo na yan.”
Bigla akong nagsawalang-kibo’t saka tumitig nang palalim.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...