Kabanata 19

2 2 0
                                    

CLARISSA JADE GULMATICO

Messenger

NOVEMBER 4, 2015 7:34 PM

Di kna talaga
mamansin?

7:58 PM

Tao pooo

9:20 PM

Claaaaaa

Ano?

Ba’t moko
sineseen lang?

Sorry busy lng

Ok lang haha


Joke lang pala. Hindi pa nga talaga okay. Malamang marami ‘din satin eh minsan nang naranasan ‘to. ‘Yung tipong parang dinededma ka lang. Pilit ko na lang ngang kinukumbinsi ang sarili kong baka naman totoong busy siya pero ‘di ko talaga magawang hindi pakiramdamang parang may mali eh. At saka mag-iisang linggo na yun.

Mali bang humingi ng rason? Kung ano ba talaga ang problema? Nang tila ba’y nakikipaglaro ako ng taguan kung wala namang mananalo samin sa huli?

Oo nga pala. Ikaw ‘yung mananalo at ng pride mo. Dahil mas labag sa loob kong basta na lang kalimutan ‘yung pinagsamahan namin dahil napamahal siya sakin. Biruin mo nga naman no, para bang natitigilan ako kung dapat bang makisimpatiya sa kanya dahil baka sadyang meron lang bumabagabag sa kanya, o talagang maiinis dahil ni ‘di man lang nagparamdam ang isang taong tinuring mo nang parang kapatid. Nang dahil ba talaga ‘yun kay Rachel? O sadyang OA lang siya? ‘Di ko na alam, naguguluhan na utak ko eh. ‘Di ko pala inasahang ang main-love pala’y nakakasakit din ng ulo. 

“Uy, Cla, libre kita?” tanong ko nang sumunod na umaga habang nakalinya kami sa canteen.

“Di na. Okay lang,” sagot niya nang ‘di ito bumaling ng tingin sakin.

“Sure ka?” patinis na tanong ko.

Hindi na siya kumibo, kaya humulo akong oo ang naging sagot niya. Eh pa’no ba yan? Sa kagustuhan mo naman sana siyang kausapin eh nawawalan ka na rin naman ng topic. ‘Di naman puwedeng basta na lang ako magkokompronta sa kanyang pagkilos. Ang awkward nun saka andaming marites. Napatingin na lang ako sa sahig. Iniisip na baka masyado ko siyang iniistorbo? Dapat ko ba siyang bigyan ng space? O baka naman parte na naman ‘to ng prank mo Clarissa, naku ‘di nako natutuwa. Napatitig na lang ako sa kanya habang nakikilinya sa likuran niya, at saka andito na rin naman ako kaya bibili na lang ako.

Nang makabalik ako sa silid ay kinausap ko si Kiefer na nakatambay lang dun sa likod kasama nina Rico.

“Uh, bro, pwede ba kitang makausap?” sumensyas ako sa kanya’t saka siya tumayo.

“Tungkol sa’n?”

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon