Nang gabing iyon ay nakituloy muna kami kina Tita dahil ayun nga, masyado nang delikado ang kalagayan namin doon. Ilang araw ang lumipas ay wala pa rin kaming natanggap na balita kay Nene. Eh, panu ba naman, wala talaga kaming ibang makumpirmang pagkakakilanlan sa mga dumukot kay bunso maliban na lang sa nakasuot silang lahat ng maitim na hoodie’t nakatakip pa ang mukha.
“Maupo kayo muna, Ateng. Ihahanda ko lang ang kwarto,” giit ni Tita Dorothy nang makita niya si Inay na napahiga na lang sa sopa. Di na kumibo si Inay nun.
Kinabukasa’y lumapit si Tita kay Inay nang may gusto sanang ilahad ukol sa ikinuwento ko kagabi nang kami’y mapaupo sa may kama sa kwarto habang nakapatay ang ilaw. Aminin ko mang medyo naaantok na’ko nang mga sandaling iyon kaso medyo nakakamiss rin kasing makipagkuwentuhan kina Tita lalo na’t taon-taon lang silang bumibisita sa’min, tuwing magpapasko’t bagong taon.
“Pael, halika nga rito saglit?!” pakiusap na wika ni Inay sakin habang noo’y nakaupo ako sa hapag-kainan kinaumagahan.
Humakbang ako sa harapan nina Tita’t saka bumuka ng labi, “Po?”
“Naisipan namin ng Tita mo na, magtatransfer kana muna ng school itong pasukan,” sabay tingin ni Inay kay Tita.
Natigilan ako saglit sa pagkabigla.
“Yung Montevilla kasi mula dito eh, mga isang oras din ang biyahe,” patuloy ni Inay.
“Naku, nakakahiya naman po sa inyo, Tita. Meron pa po kasi kaming unpaid fees nung last year,” atubili kong tugon. “Pero meron din naman po akong part time na pantustos din.”
“’Wag mo nang alalahanin ‘yon, Pael,” sabay pagkislot ni Tita ng labi. “Sagot ko na. Dapat kasi sa inyong edad aber ay nagfofocus muna sa pag-aaral.”
Napahaltak ako sa pananabik nang marinig ko ‘yon dahil syempre marami ka namang bagong makikilala pero mukhang mamimiss ko naman yata ang mga nakasama ko din sa Montevilla nang ilang taon. Gayunpama’y, halos nabunutan nako ng tinik at pahakbang akong bumalik sa kinauupuan ko sa sala’t patuloy na ningunguya ang mga tirang hati ng biniling pandesal.
“Samahan ko muna tung si Lance, Ateng. Sagot ko na pang-enrolment niya,” paniniguro ni Tita kay Inay. “Saka tutulong na rin pala ‘Nay kina Manong Nestor sa pagliligpat ng mga naiwan niyo pang gamit dun sa bahay.”
Agad naman akong tumayo’t dumiretso sa kwarto para magbihis. Dumalaw muna kami sa old school ko para kumuha ng certificate of transfer mula sa school directress nami’t saka nagpaenroll sa PGNHS. Naging maayos naman ang naging transaksyon, eh mabuti na ngang maaga’t maiiwasan ‘yung siksikan sa huling linggo.
MONTEVILLA INTEGRATED SCHOOL (CERTIFICATE OF TRANSFER)
This is to certify that Humabon, Lance Rafael A., a bonafide student in this school from June 12, 2006 to March 20, 2015 is eligible for transfer and admission for Grade VII.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...