Kabanata 5

18 4 0
                                    

“Okay class, magcocount-off tayo," giit ni Miss Peñaflorida nang lahat kami'y napaupo na sa'ming mga upuan. "All number 1 please stand…. Number 2…. 3..."

Kay ganda nga naman ng kapalaran, naging magkagrupo kami ni Clarissa.

"The members are as follows: Jennifer Castellanes, Clarissa Gulmatico, Lance Humabon, Alaina Pilapil, and Ethan Sulleza," pahayag ni Miss. "Group 3, who will be your group leader?"

“Humabon, Ma’am,” sigaw ni Clarissa. “Ang galing niya ngang maghabol. Deadlines pa kaya?”

Tumingi't napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya nang kumindat siya.

“Okay, so Humabon will be your group leader? Does everyone agree?” tanong ni Ma'am.

“Uy, hala hindi ma’am, napagtripan lang talaga ako," pag-atubili ko.

“Well then, who would you suggest within your members?” tanong ulit ni Ma’am habang nakatingin siya sakin.

“Ms. Pilapil, ma’am. Matalino naman siya," tugon ko.

“I’d agree with Mr. Humabon, Ma’am. I’ve also seen her competency naman ma’am, and she’s active on the class," dagdag ni Jennifer.

“Ayaw mo ng experience?” paghahamon ni Clarissa.

Saka na nabaling ang atensyon ng iba naming kaklase samin.

“Mukha yatang dinadare ka niya,” bulong ng mga katabi ko. “Hala, magpapatalo ka?”

“Kalma lang kayo guys," she looked at me, smirking. "Baka tamad lang."

Nanatili akong tahimik.

"Okay, so it is settled that Ms. Pilapil will be your group leader," pahayag ni Ma'am. "Ms. President, do you conform with this notion?"

"Yes, I agree, handa naman akong ibigay ang best ko ma’am," tugon ni Alaina.

"Okay how about the others?" tanong ulit ni Ma'am.

Sumang-ayon kami sa naging pabatid ni Ma'am maliban kay Clarissa.

“Sure na ba kayo diyan guys?” tanong ni Clarissa na parang nakadilat sakin.

“Oo naman bakit?” sagot ko.

“Tanong lang naman, bawal ba?” sabay paglawak ng pagngisi niya’t saka sumang-ayon din.

"That settles then, next for number 4…" pagpapatuloy ni Ma’am.

Saka sabay na kaming napaupo na’ko nun ng mga kasama ko.

“Psst, Lance, mukhang ang init yata ni Clarissa sa’yo ah," pangungulit ni Rico.

“'Nu ibig mong sabihin?”

“Di mo ba nahahalata? Trip niya ka yatang asarin."

"Eh ano ngayon?"

“Kasi naman, brad, ‘di naman gaganun yung babae kung ‘di ka nila trip,” paliwanag ni Paolo habang nakakunot ang pisngi.

"Baka sadyang ganun lang talaga siya,” pangungumbinsi ko. “Makikita mo namang friendly siya." 

"Ah basta iba talagang kinikibo namin, par."

“Ilang linggo pa lang naman kaming magkakilala eh," pagsalangsang ko. "Masyado pang maaga para sabihin ‘yan.”

“Teka wala naman kaming sinabi ah,” tugon ni Rico, sabay hikhik na parang nabubulunan. “Eh sinasabi mong baka may pag-asa?’

“Andito lang kami mga supporters niyo,” paasar na wika ni Paolo.

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon