“Announcement! To all junior high students, we are informing you to please apply for a library card. Starting next week, we won’t be allowing students to enter without the card,” patalastas na sabi ni Ma’am Dumadara, head librarian namin.
“Yan lang pala kala ko kung ano,” bulalas ko.
Lumingon ako kay Clarissa ulit nang makita ko siyang bahagyang kumislot ng labi.
“Tara na kuya.”
“Eh panu ‘pag napagod ako?”
“Edi bubuhatin kita.”
“Hala sigurado ka?”
“Try natin. ‘Pag hinde, edi sorry.”
“Loko ka talaga.”
“Uy tatawa na yan. Smile naman diyan, Kuya.”
“Tatawa na yan,” patinis kong biro na parang kinikilig.
Agad namang napawi ang pantasya ko nang mawala ang pagngiwi niya. “Ah siya nga pala, m-meron sana akong gusto sabihin?”
Nagtaas siya ng kilay.
“Kasi ano… Cla…” huminga ako nang malalim nang maramdaman kong nanginginig na naman ako ule saka pinikit ko ang mata ko.
“May gusto ako sa’yo. Oo crush kita,” sabay na napakagat ng labi. “Nahihiya man akong aminin pero totoo.”
Natigil ito sa pagsulat saka dumilat sa notebook niya.
“P-pero wag kang mag-alala,” pautal kong sabi sa kanyang kinilos. “Pangako ko sayo na wala ring magbabago sating pagkakaibigan.”
“S-sorry,” mapanglaw nitong tugon habang nakasimangot.
Agad itong inayos ang mga gamit niya’t saka na tumayo’t dala dala nito na lumabas ng library. Dire diretso ang kanyang paglakad na ni di nga lumingon sakin.
Napatulala ako sa nangyari’t parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig na nakaupo kaya’t humakbang na ako pabalik sa mga kaibigan ko. Bakit ganun? Bakit mas pinili niyang iwasan ako?
Kumunot ng noo si Paolo. “Anong nangyari dun?”
“Nakita niyo na naman siguro,” inangat ko ang mga kamay kong nakatihaya.
“Busted tayo lodi,” sabay tango ni Rico. “Ansakit.”
“At least sinubukan mo diba?” panguso na singit ni Kiefer.
‘Di ko na alam kung anu pa ang isasagot ko sa nangyari kaya napaupo na lang ako sa sahig. Tumungago ako dun habang tila inuunawaan pa ang nangyari. Eh sino ba namang di mabibigla? Walang pansinan nang ganun-ganun lang. Baka ngayon alam ko na, nagawa ko na rin kung anong dapat kong gawin. Namiss ko ba yung feeling? Oo pero ano pa bang magagawa ko? Sa kagustuhan ko mang ayusin yun eh, meron pa rin siyang parte dun, at ngayo’y malinaw nang magkaiba kami nang nais.
“Bro, sana wag mo masyadong dibdibin yung nangyari,” saglit na huminga si Kiefer saka kinapkap ako sa balikat. “Baka sadyang hindi lang siya ready nung time na ‘yon.”
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...