Kaya ayun, olats ang tatlong buwang allowance.
“Ma, pagusapan natin ‘to,” makailang ulit kong pakiusap sa kanya.
“Para sa’n pa, Rafael.”
“Ma naman ‘ho.”
“Dapat lang ‘yan,” mapuwersang tugon niya.
“Ma naman parang hindi ‘to tama. Ligtas kong nauwi si Nene diba?”
“Kahit na. May pananagutan kapa rin. ‘Di mo ba inisip kung anong maaaring mangyari sa inyo?”
“Hindi ko naman siya ‘Nay pinabayaan ah. Wala po ba kayong tiwala sakin?”
Napailing na lang si Inay sa sinabi ko. “Pareho lang kayo ng tatay mo. Sariling gusto ang sinusunod!”
“Ganun na ba talaga tingin mo sakin, Nay? Inintindi po naman kita sa inyong hilig ah,” padismaya kong tugon.
“Rafael, diba napag-usapan na natin ‘to? Alang alang sa kapakanan ng pamilya natin, sana maintindihan mo.”
“Marunong naman akong umintindi, Ma,” pangungumbinsi ko.
Pagod na akong makipagtaltalan.
“Sige na, paghahanda kita ng almusal.”
Mababakas sa mukha ni Mama ang balisa na parang ‘di mapakali. Sa mga kakilala niya lang naman siya laging pumupunta, pero ba’t kung pagmamasdan siya’y kala mo nakatakbo sa marathon.
“Okay lang po ba talaga kayo Ma?”
“Oo, Lance. Sige na,” sabay senyas niya ng kamay. “‘Wag na makulit.”
Tumango na lang ako. Mukhang anlalim ata ng problema niya’t di niya masabi sabi.
“Teka, ‘asan pala si Itay,” bulong ko sa sarili. “Mag-iisang linggo na rin siyang ‘di nakakauwi.”
“Ma, punta na lang ako mamaya ng bayan. Hanap lang ng raket,” pangungulit ko kay Inay.
“Wag na, dumito ka na lang. Ako na bahala dyan.” Tugon niya nang akmang ilalatag niya ang ula namin sa hapag-kainan. “Kain kana.”
Ipinagsawalang-kibo ko na lang ‘yon. ‘Di naman maaaring mauupo’t maghihintay na lang ako dito nang maalala ko tuloy si Bruno. Baka sakaling lumambot ang puso ni Mama’t payagan ako eh, makakapagsimula nako.
“Pede ka mamaya?” tugon ni Bruno sa linya nang magkatawagan kami ilang araw ang lumipas.
“Oo naman,” pagalak kong tugon. “Magkita na lang tayo sa bayan.”
“Laro tayo tapos ha?” sabay paghikhik niya.
Tiempong naibinaba ko ang linya nang may marinig akong mga yapak papasok saming sala.
“Mare, asawa mo ba ‘to?” bungad ni Aling Marya samin sabay turo sa kanyang selpon habang mababasa ang animo’y isang artikulo ng news. “Nakahandusay daw sa Kalye Olivares.”
Bigla kaming nakaramdam ng kaba’t panginginig sa’ming narinig, dahilan kaya’t dali-daling bumihis si Inay.
“Sama ako ma,” pakiusap ko, sabay tingin ni bunso kay Inay.
Sumakay kami ng traysikel papunta sa sinasabing kinaroroonan ni Itay, at sa’ming pagbaba ay kay raming taong nakatumpok sa may dulo’t makikita ang mga bakas ng pulang tintang nakakalat sa daan. Agad namang pinatabi ni Inay ang mga aleng nakaharang at bumungad sa kanya ang isang nakahandusay na bangkay ni…
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...