Kabanata 10

4 3 0
                                    

Pumasok nako sa loob na nanlulumo nang may maaninag akong parang piraso ng papel na naninilaw at nakalatag sa may sahig. Pinulot ko’t saka dali-daling pumasok saking kwarto nang mapagtanto kong…

LIHAM NG PASASALAMAT (4/18/04)

Osang…

Happy anniversary mahal

Kay bilis ng panahon grabe. Isang taon na naman ang lumipas.

Gaya nga sinabi ko noon, di ako magsasawang pasalamatan ka sa lahat ng mga napagdaanan natin. Laging andyan ka at di moko iniwan. Salamat dahil ikaw ang tanging naging sandigan ko nang mga panahong gusto ko nang sumuko. Marahil, may mga pagkukulang ako’t di ‘yun naging alintana sating pag-iibigan. Pinili mo akong mahalin nang buo. Pinili mong magpakatatag. Alang-alang para sa’tin at sa anak natin. Hindi ka nawalan ng pag-asang pagsubok lang ang lahat ng ito. Wala na akong hihilingin pa.

Pangako ko. Magiging mabuti’t tapat akong asawa para sa’yo at kay junior. Habang buhay kong tatanawin ng utang na loob ang regalong handog sakin ng Maykapal. 

Kaya mahal, kung nababasa mo man ito, lagi mong tandaan na andito lang akong laging susuporta sa’yo. Matatanggi ko ba naman ang isang natatanging binibining kagaya mo? Na minsang bumihag saking puso bumago saking pagkatao.

Sabay rin tayong tatanda, mahal ko. Balang araw ay malilibot rin natin ang buong mundo nang sumasakay tayo kay Junior. Oo ‘yan ang pangarap ko para sa kanya. Ang maging piloto siya. Gusto kong siya ang magpapatuloy ng aking naunsyaming pangarap.

p.s. Hawak kamay tayo, balang araw ay aahon rin tayo. Magtiwala ka lang.

- Raul

Ano kayang magiging reaksiyon ni Nanay ‘pag nabasa niya ‘to ulit? Kaso naisip ko ring, wag na, baka punitin niya lang to. ‘Di ko akalaing sampung taon na pala. ‘Di inakalang walang kamalay malay ay dito pala hahantong ang lahat. 

Halos ‘di ako maniniwalang sinulat moto, Tay? Tila ang sariwa pa ng mga salita mo, sa bawat linya, na parang kausap lang kita kahapon. Panu mo nagawa samin ‘to pa? Bakit?!

“Kain na tayo, Lance,” pananawag ni Tita Dorothy mula sa pinto.

Napaudlot ako. “Sige po, Tita.”

“O, ba’t anung meron?” pansin niya.

“Ah wala po…”

“Sigurado ba? Ano ba ‘yan?” sabay na luminga sa hinahawakan ko.

Agad kong pinilo ang naturang sulat. “Wala po, sa school lang po.”

“Ganun talaga pag buhay estudyante ano?” pagngisi niya. “Oh siya ikain mo muna baka manumbalik ang sigla mo.”

Para bang nawala ang panlasa ko. ‘Ni di ko nga malasap ang lutong ng daing ni Tita. Sayang pa naman sana’t antaba ng tiyan

Parang gusto ko nang sumuko. Alam mo ‘yon. ‘Yung dumating kana sa puntong ‘di kana nasisiyahan sa mga kinahihiligan mong gawin noon. ‘Yung puntong kahit gusto mo sanang sumaya’t di naman pala buo. Kung sa bawat pagkakatao’y mapapalitan lang ng trahedya ang saya’y matik hanggang kelan ko pa kaya makakamtan ang tunay na kaligayahan

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon