Bahagyang maulap saming field isang hapon nang magensayo kami sa field. Matik nakakamiss din palang maglaro.
“Dito Pael, pasa pasa!” dinig ko sa kabilang kasama nang magsitakbuhan kami sa goalie.
Agad kong pinalipad ang bola nang ipasa ni Paolo hanggang sa tumama ito sa… tukod. Dang, muntik na sana.
“Isa pa, guys,” udyok ko habang sinasandal ang mga palad ko saking hawak.
Inulit nga namin ang naturang flow. Siyempre di kami dapat pakampante no.
Pahingal kaming umopensa habang mararamdaman ko ang pagaspas ng hanging nananalaytay saking damit. Ansarap pala sa pakiramdam eh ‘di masyadong mainit.
Parating na kami ule sa goal. Tulad ng nauna’y pinalipad ko ang bola nang paparabola’t tumatalon na ang goalie. Sapul! Iba yata yung tinamaan eh.
“Ok ka lang brad?” agad kong tanong sa goalie namin saking paglapit habang yumuyukyok na tinatakip nito ang kanyang mukha.
Dinig na dinig kasi ang supalpal ng bola na muntik pakong mapahikhik.
“Oo, sige lang. Part of the game,” tugon niya.
Ilang sandali pa’y narinig naming ang pito ni coach at saka na tumungo sa may water station para tumunga.
"Huwag niyong kalimutan. Lunes na magsisimula ang exhibitions kaya… galingan natin team," wika ni Coach.
Matapos kaming bigyan ni Coach ng mga reminders at announcements ay dumiretso nako sa mga gamit ko para magligpit nang bumungad sakin ang 2 missed calls na nakanotif saking celpon nang icheck ko yun sa bag. Nakatanggap din ako ng text.
“Lance, Officer Alvarez ‘to. Kelangan ka muna dito sa police station. May kakausap sayo,” giit ng text.
Kumunot ako ng noo. Sa ganitong oras?
Dali dali akong dumiretso sa waiting shed para magantay ng masasakyan tungo sa Police Station. Nang magtanong ako sa information kung pumunta ba dito si Inay ay hindi daw nila nakitang dumating ngayon. Edi sana malamang magaantay yun sa labas diba? Agad nakong pumasok sa silid na pinasukan namin noon ni Mama nang magtanong ako tungkol kay Officer Alvarez.
“Uy Lance, buti nakarating ka,” salubong ni Officer nang nakiupo na ako’t nakatitig sa kanya nang nakangiti. “Gusto ka sanang kausapin ni Ma’am.”
“Bakit po?”
“Ma’am, maiwan ko na muna kayo,” saka na siya humakbang palabas ng silid at isinara ang pinto.
Nagkatitigan kami saglit saka niya hinubad ang suot-suot nitong salamin at bandana. “Kumusta ka naman? Lance?”
“Ma’am Sharmaine?” sabay na nanlaki ang mata ko. “Naku, mabuti naman ho.”
“Lance? Diba pangalan mo?”
Tumango ako.
“At anak ka ni Raul, tama?” saka siya nagunat ng braso’t bigla kong naalala.
Sa pagkakataong iyo’y ‘di na niya suot ang bracelet nung nakaraan. Sa parehong braso.
“Opo, ako po yong panganay samin,” tugon ko.
“Kaya pala. Gaano mo ba ka-close yung tatay mo? Sa’yo?” pagtitig niya nang tila nang-aaliwas ang kanyang mata.
Saglit akong natigilan sa naging tanong niya. Ewan ko ba, kung sasabihin ko ang totoo?
“Ok naman po siyang kasama.”
“Ano pa, Lance?” paagam niyang tugon. “Yung mga kadalasang ginagawa niyo ba? Mga naging panlibang niyo kumbaga.”
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Genç Kurgu*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...