Napatingin ako sa kaharap ko't natulala nang tumugon ako ulit. "Sino ka?"
"Di na namin kailangang magpakilala pa, Lance... Tanungin mo tatay mo," halakhak ng boses.
Tinapat ko ang mic ng selpon ko sa baba ko. "Hayop ka, pakawalan mo ang kapatid ko!"
"O easy lang, bata. Makakaabot din tayo diyan," palumanay nitong tugon. "Wag mo naman kasing pangunahan ang palabas."
"Hoy, wala nakong panahong makipaglaruan sa'yo. Kaya kung ako sa'yo. Pakawalan mo na siya!"
'Di ko namalayang masyado pala akong maingay na lahat ng kasama ko nun sa van ay nakatitig sakin.
"Yung kapatid mo nawawala?!" patarantang singit ni Paolo.
Pinatahimik ko muna sila. Taena ang awkward, di kasi ako sanay makitawag sa harap ng iba pero di bale na, sadyang mapanganib na kasing lumabas. Itinapik ko ang isang daliri saking labi habang nakatingin sa nagtanong. Patuloy kong pinakinggan ang tawag.
"Kalma lang, Toto... Balang araw magkikita't magkikita din kayo... habang lumilipad sa ulap. O baka naman sumasayaw sa apoy."
Nasukot ako sa kanyang tawa.
"Anong kelangan mo?"
Suminghot siya bilang tugon. "Kinumusta ka lang naman, bata. Saka na natin pagusapan yan."
Ilang sandali pa'y may narinig akong kung ano-anong tunog. 'Di ko masyadong maintindihan.
"Oh, bata. Kasi mukhang 'di ka pa kasi nasiyahan kaya... may mas malaking sorpresa pa kaming hinahanda sayo," payamot nitong balbal, saka na ko may nakarinig nang tila may nagpupumiglas.
"Dali na," pabantang wika ng boses.
Nalagot saglit ang linya nang may biglang nang nagsalita.
"Kuya?" patamlay na tanong ng isang bata.
"Annika? Annika, ikaw ba yan?"
"Oo kuya."
Napahimas ako ng noo. "Kumusta ka dyan? May ginawa ba sila sa'yo?"
"Okay lang ako, kuya," diretsahan niyang sabi.
"Wag kang mag-alala," saka ako bumaling ng tingin. "Darating din ang araw magkikita din uli tayo. Magtitiwala lang."
"Asahan ko yan, ku-"
Nang bigla akong marinig ng pangangalampag.
"Hello? Hello!" painis kong sagot.
"Tama na yan. Nauubos na load ko sa inyo," saka siya tumawa nang marahan. "Gusto mo pang kausapin?"
"Wag mong saktan ang kapatid ko!" sigaw ko.
"Easy lang pre. Narinig mo naman diba? Ligtas siya samin... sa ngayon."
"Wala ka talagang puso!"
Lumakas pa ang pagtawa nito. "Hanggang sa muli, bata."
"Hello? Hello!!!" at tuluyan na nitong pinutol ang tawag.
Napatulala na ako nang ibaba ko na ang telepono ko. Wala muna saming nagsalita matapos ng nangyari hanggang sa...
"Anong gagawin mo ngayon, tol?" panimula ni Paolo.
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Novela Juvenil*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...