“O, ba’t napasadya ka dito pare?” salubong ni Rico habang noo’y namimili ako ng mga energy drinks at mga pangmeryenda mag-iisang buwan ang lumipas.
Early dismissal namin ngayon dahil sa pagtatapos ng periodic exams kaya treat muna si selp.
“Ah heto bumibili,” saka ko pinakita sa kanya ang mga kinuha kong bibilhin. “Eh ikaw ba?”
“Alam mo na rin ‘yung sasabihin ko,” saka niya ako tinaasan ng kilay.
“Uy sabay tayo tapos mo ha?”
Kumunot ako ng ilong na nakangiti. “Sige ba. Tagal na nga rin eh.”
Nang makarating nga kami sa isang kainan ay nagulat ako nang nilibre niya ako ng inorder niyang pizza.
“Naku utang ko pala yan sayo brad.”
“Naku wala yun,” sabay senyas ng kamay nito na parang magraraise hand.
Napangiti sya. “Ay siya nga pala, musta na pala yang mukha mo brad?”
“Ah heto?” sabay turo sa mga tuyo kong peklat saking mukha. “Mabuti na ngang hindi naman daw major yung problema kaya gagaling din to ng ilang araw.”
“Sigurado ka brad?”
“Sus ako pa. Asahan mong tuluyan natong mawawala next year.”
“Mabuti nga naman. Siya nga pala nabalitaan ko kasi yung nangyari sa inyo ni Rachel nang nakaraang buwan.”
“Ah ok na naman yun. Mukhang naresolba na rin nga eh at saka nasa custody na rin naman ng DSWD si Anthony.”
“Hala pano nangyari yun?”
“Nabalitaan ko nga lang kay Rachel eh, nang magising ako sa ospital na finrame up pala siya nito. Kaya ayun yari.”
“Eh musta naman kayo ni Rachel?”
Bumaling ako ng tingin sa kanya. “Ayoko ko munang pag-usapan yan.”
“Bakit ba? Pre naman, sadyang di kasi ako sa updated sa mga nangyayari.”
“Gag* ang awkward pre,” sabay ako kumiling ng pagkakaupo paharap niya. “Wag muna ngayon.”
“Pero… alam ba ‘to ng family mo?”
Umiling ako. “Pinangatuwiranan ko lang naman.”
“Eh hanggang kelan mo ba balak ilihim ‘yan sa kanila.”
“Hangga’t kaya,” diretsahang tugon ko. “’Di naman kasi ako kumbinsidong matatanggap ‘yun ni Nanay, matapos ng itong nangyari kay Itay.”
Napangiwi na lang siya sa sinabi ko. “Uy regards pala sa game niyo bukas ha?”
“Naku salamat syempre naman. Pinagsikapan kaya namin ‘tong itraining para maipanalo na ang semis. Malaki ang kumpiyansa ko,” sabay paglibot ng paningin ko.
“Isipin mo, pare. Nang dahil sa naganap na shooting, nagawang makatabla ng prev mong school.”
Nagkataon lang ba ‘yun? Nagulat rin nga akong parang mas malakas nga silang maglaro nang wala na si Anthony sa line-up nila. Mukhang kelangan yata naming pagbutihin yung ball movement namin kasi kahit sino’y banta saming depensa.
“Oo nga eh, pero hayaan mo. Aabot tayo ng finals,” panguso kong sabi.
Nagthumbs-up siya’t napasandal ng pagkakaupo. “Nasa likod mo lang kami brad,”
“Salamat brad,” saka nako kumao sa kanya.
Inubos ko na ang tirang pizza ko. “O pano, training nako brad.”
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...