Kabanata 9

5 4 0
                                    

“Pirma ka muna,” sabay turo ng isang sikyu sa asul na kuwadernong pantalaang nakapatong sa lamesang katabi ko.

“Teka sir, 'di ko makita,” saka kinuha ang selpon ko’t sabay na inilaw ang naturang kwaderno.

Magdadapit-hapon na kasi kaya medyo naninilim na ang paligid. Pagkatapos pumirma’y umakyat na ‘ko nang entrance nang madatnan ko si Inay na nakaupo nun sa isang silyang monoblock sa labas.

“Kanina pa po kayo, Nay?” tanong ko’t sabay na tumayo habang sinabit ang dala-dalang kulay tea green na sling bag sa balikat.

“Kararating lang naman,” tugon niya’t saka pumasok na kami sa loob.

Lumapit kami sa isang nakaupong mamang nakauniporme sa information center.

“Sir, matanong ko lang po? Eh tinawag kasi ako nito lang hapon sabing may kakausap daw,” tanong ni Inay habang nakasandal ang mga palad sa lamesa.

“Sino po sila?”

“Humabon. Susanna Humabon,” diretsahang wika ni Inay saka napatingin sakin. “Eto po yung anak ko.” 

“Ah teka, sino pong tumawag?”

“SPO1 Alvarez, daw.”

“Sige po may habilin nga talaga po siya sakin.”

Binigay niya ang mga karampatang direksyon papunta roon. Kwarto pala yun kaya’t kumatok kami’t sabay na sumilip sa nanganganinag na kristal na nakadikit sa gitna nito. Matatanaw sa loob si SPO1 Alvarez kasama ang isang babaeng may suot-suot sa leeg na bandang gawa sa sutla habang nakatali ang buhok at isang dyaket na kulay asul na mapusyaw. Nakaupo’t yumuyuko. Nang matanaw kami ni Sir Alvarez ay agad itong tumango’t saka namin binuksan ang pinto papasok.

“Mrs. Humabon, buti nakarating kayo,” masigasig niyang tugon.

“Ah opo, sir, sensya na’t inaantay ko kasi anak ko sa labas,” tugon niya pabalik.

“Maupo muna kayo,” nagkatitigan kami ni Inay nun sa isang upuan sa harap namin.

“Ah sige ikaw po Ma’am,” panghihimok ni Sir habang kumuha ako nun ng silya sa may gilid. “Ganito kasi yun... may gusto sana siyang sabihin…”

“Para sa’n ba?” tanong ni Inay.

Nang lalong umigting ang pakiramdam ng ginoo't mahahalata sa kanyang postura.

Agad naman itong lumingon sakin, “Ah bata, baka gusto mo munang umupo sa labas.”

“Hindi,” pamamakli niya’t sabay na pinaypay ako pabalik. “Karapatan ‘din tong marinig ng anak ko.”

Huminga siya nang malalim, “Sige pagbigyan. Si-"

“Asawa ka ba ni Raul?” biglaang tanong ng babae’t sabay na tumingala kay Inay nang ‘di kumikibo.

“Bakit?”

“Ako si Sharmaine. Marahil, nanaisin mong makita to,” sabay na itinaas ng babae ang hawak hawak nitong tila isang termometro.

O parang hindi, matik ba’t may dalawang linya?

“Teka, anong pinagsasabi ng babaeng ‘to?” sabay tingin kay Ginoong Alvarez.

“Kasi Ma’am, nagreport kasi siya samin nang malaman ‘yung nangyari kay Raul…” tugon ng ginoo.

“Tapos?”

“May… M-may nangyari sa'min,” mahinang wika ni Sharmaine.

Napatulala si Inay saglit nang marinig niya ‘yon. “Hayop ka. Kaya pala ‘di umuuwi si Raul dahil sa’yo!”

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon