Hanggang sa may narinig na lang kaming malakas na ingay na animo'y wasak na salamin at sa'ming paglingid ay bumungad ang isang puting sasakyang tadtad ng pira-pirasong shrapnel sa paligid nito malapit sa ibinangga nitong poste ng kuryente. Kitang-kita rin ang halos di na mapakinabangang harapan nang aming nilapita't sinilip kaya't marahil na nakaipit ang mga paa ng drayber na noo'y nagpupumilit pumadyak sa pag-asang magkakaroon ng milagro.
Matatanaw rin siya sa loob na dugua't walang malay mula sa kinauupuan nito habang katabi nito ang isang babaeng tila nasa kanyang 20's kung ibabase sa kutis at mukha. Kapansin-pansin rin ang mga tumulong itim na likido mula sa dinaanan ng naturang kotse nang...
"Umalis na tayo, Pael," bulong ni Bruno nang may maamoy kaming umuusok, sabay pagsagitsit ng harapan nito.
Nang akmang paalis na'y bumaling ang atensiyon namin sa nakita naming nakalapag noon na 'sang pirasong bond paper sa daanang tila nakalukot at nakatintang itim. Agad kong kinapkap ang sariling bulsa ngunit...
"Bro, nasa 'yo ba ang clearance?" tanong ko kay Bruno.
"Wala ah. Hawak hawak mo kaya 'yan pag-alis natin kay Kap eh."
Agad naming nilapitan ang naturang papel nang malamang 'yun pala ang nawala ko.
"Balik tayo kay Kap?" tanong niya.
"Wag na, anlayo na ng narating natin."
"Eh, panu yan photocopy kasi yung hinihingi."
"Edi i-photocopy rin natin."
"Hindi. Ibig kong sabihin dapat presentable."
"Maya na. Hanap muna tayo ng kainan."
Nang mga sandaling iyon ay maririnig na ang bagabag ng mga ibang nakasaksi sapagkat sa'ming paglingon ay bigla na lang itong nagliyab. Matapos naming kumain saglit ng meryendang BBQ sa isang kiosk na ilang metro rin ang layo, ay bumalik nga kami sa barangay hall para kumuha ng bago. Eh, ganun talaga ang buhay.
Kaso parang mas naaawa ako sa naging kalagayan ng magkasama dun sa kotse. Kay lupit talaga ng tadhana at sadyang sila ang pinaglaruan. Kahit mapaanu pa man ang estado... magsyota, magkapatid, magkaibigan, eh, walang relasyong 'di masisira sa gipit ng kamatayan. Nakakaumay ring isiping nais ko mang baliin ang nakatadhana'y ano ba'ng aking magagawa?
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...