Kabanata 13

4 3 0
                                    

“Pael, sama ka?” salubong ng mga kaibigan nang napadaan ako sa kanila habang tumatambay sa bleachers.

Lumingon ako’t bumungad ng tingin. “Sa’n ba yan?”

“Gala tayo,” tugon ni Rico.

Bumaling ako ng tingin. “Tingnan ko pa brad.”

Napatingin si Paolo kay Rico. “Luh ka brad, baka di payagan yan.” 

“Naku makakasama yan si Pael. Diba pre?” saka tumaas ng kilay si Rico sabay pagngisi.

“De okay lang. Ako na bahala,” saka nako nagtaas ng kamay.

“Ayan pala eh. Balitaan mo na lang kami brad.”

“Kelan ba?”

“Itong Sabado brad, gabi,” tugon ni Paolo.

Tumango na ako. Mukhang mapapaisip na naman ako ng alibi nito, eh diskumpiyado talaga akong pahihintulotan ako nun eh. Pero kung siya mismo, makuhang makipaglakwatsa, eh ba’t ako hindi? Di nga naman mahilig sa panay kakaisip niyan. Sadyang napilitan lang. Kaya’t nung isang araw ay nilapitan ko na si Inay matapos ng ilang araw ring pag-aalinlangan.

“Anu yun Pael?” papagal niyang boses habang nanglalabada.

“Kasi po eh,” paaba kong tugon. “Niyaya po kasi ako ng mga kaklase.”

“Aba eh, sa’n kayo pupunta?” saka siya bumaling ng tingin sakin.

Natigilan ako sa sinabi niya’t ‘di kasi ako siguradong baka tanggap ni Mama ‘yun.

“Teka, tanungin ko na lang po ulit,” pakunwaring alibi ko.

“Sige, basta’t ‘di malayo ha?”

Tumango ako. Makalipas ng ilang sandali’y bumalik nako sa kanya habang naghahanda ito ng hapunan. 

“Sa bayan lang po eh, Heneral Hortillas.”

“Sino kasama mo?”

“Kami lang naman po ng mga classmate,” sabay na yumuko saking celpon. “Ah heto po sila, baka sakaling gusto niyo po silang makausap.”

“Anung oras ka uuwi?”

“Mga mag-aalas dose po eh.”

“Hala eh, pa’no ka sasakay niyan pauwi. Aber wala ka nang masasakyan nang ganung oras.”

“’Di bale po. May service naman po yung isa sa kasama ko,” pangungumbinsi ko.

“Aba eh, bigyan na lang kita nang pambigay mo sa kanya. Kahit panggaas lang,” patuloy niya’t nang dumiretso ito ng aparador nami’t kinuha ang alkansya.”

“Naku, wag na po, ‘Nay. Ako na po bahala dun.”

“Sigurado ka?”

Pakiramdam ko’y tila sumisikip ang hininga ko sa nerbiyos.

“Papaalahin lang kita, Lance ha?” paseryoso siyang tumitig sakin. “Ayoko ko lang namang matulad ka sa tatay mo. Inaassume ko na kilala mo yang mga kasama mo ha?”

“Opo, Nay.”

Saka niya ako niyakap. “Sana’y maunawaan mo, anak, ang tanging gusto ko lang naman eh, kung anong makakabuti sa’yo. Pero ‘di ko naman pwedeng ipagkait ang pagkakataon sayong makisalamuha sa iba, dahil bilang tao’y kelangan mo rin yun sa’yong pagtanda.”

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon