Kabanata 26

8 3 0
                                    

“Di ko rin alam, Lance,” tugon ni Olivia nang magkatawagan kami. “Di niya rin kasi sinabi samin.”

“Uy, teka may tatanungin ako,” singit niya nang akmang hihinto ko na ang call matapos magpasalamat.

“Ano ba yun?” pataka kong tugon.

“’Di pa rin ba kayo naguusap?”

“Naku, move on nako sa nangyari eh,” patamlay kong ngiti. “At saka matagal tagal na rin yun.”

“But panu kung may pag-asa pa?” paabang dagdag niya.

“Wala naman akong nakikitang rason ba’t meron pa?”

“Hey, love is beneath reason,” pasuhestiyon niyang tono. “Sometimes it leads us to do things na parang nonsense kung iisipin.”

“Pero ok na ako,” paniniguro ko.

“Nakamove on na nga ba talaga?” 

“Alam kong kailangan.”

Saglit na nalagot ang linya hanggang sa bumati na lang ako nang pamamaalam saka in-end ang tawag. Matik, ba’t ‘di ko siya kasi mawala wala sa isip ko?!

Sinubukan kong icontact ang iba niyang kaibigan ngunit magkakapareho ang naging tugon nila nang sa kay Olivia. Mukhang mapapahula na ako neto kung anung oras siya aalis

“Anu ‘yan, ‘Nak?” biglang salubong ni Inay sa pinto nang makita niya akong nagliligpit ng mga damit ko sa isang bag.

“Para sa game lang po bukas, Ma,” daglian kong tugon habang dire-diretso ang pagiimpake ng mga damit. 

Saglit na natigilan si Inay saka huminga ng malalim. “Alam mo, medyo binabagabag akong sabihin ‘to pero, mas mabuti muna sigurong paliban mo muna ang paglalaro.”

“Mag-iingat naman po ako, Nay,” pabiglaang sabi ko.

Napayapos siya sa sariling mga palad. “Pa’no ko ba masisiguro kaligtasan mo?”

“Andun naman po sina Coach para bantayan kami sakaling anong mangyari,” saka ko na kinuha ang celpon sa bulsa’t inabot ang kamay para hiramin ang sa kanya. “Bigay ko na lang po number nila sayo.”

Tumango si Inay habang inabot niya ang celpon nito’t kahit makikita pa rin sa kanyang ekspresyon na medyo nababahala.

“Palagi kang manalangin, lance ha?” at sabay niya akong nilapita’t niyakap nang mahigpit. “Magingat ka.”

Kinaumagaha’y umalis nako. Pasado alas siete pa lang nun kaya naisipan kong bisitahin muna ang bahay nina Clarissa para man lang makausap lang siya kahit sa huling pagkakataon kung maaari. Nang dumating ako roon ay laking taka ko nang mapansin kong nakakandado ang gate, kaya hinuha kong walang tao sa loob.

Nang may biglang tumawag sakin na parang boses ng isang matanda. “Ah sino po sila?”

Napalingon ako’t nang makita ko ang isang matandang lalaking paika-ika sa paglapit sakin. “Ah hinahanap ko lang po si Clarissa.”

“Ah si Isay… yung dalagita kamo?” panganga niyang tugon. “Naku umalis na sila kanina pang madaling araw.” 

“Balita ko din nga po eh. Alam niyo ho ba kung anu oras daw yung flight nila?” tanong ko habang hinihimas ang strap ng binibitbit kong bag.

Scars of SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon