"Oo na, Sir. Aalis na po," piglas ko nang subukan nila akong hawakan.
Lumabas nako ng airport nang maalala yung game. 9:10 yung sabi ng relo.
Matik, anu na kayang nangyari? Sana makaabot pako nito eh, malamang patapos natong first half, kaya nag-antay nako ng dyip na masasakyan. Medyo magiging mabilis na rin 'to dahil 'di na rin rush hour at tsaka one ride lang naman mula rito papuntang field. Nang makarating ako sa field ay nakailang minuto na nang magsimula ang second half kaya binilisan ko nang pagtakbo papuntang locker room namin para magbihis. Baka sakaling interesado ka, 1-3 yung iskor nang tingnan ko yung scoreboard. Dehado kami.
"San ka galing, Humabon?" salubong ni Coach nang dumating ako sa puwesto namin.
"May emergency lang po sir, sorry I'm late," pahingal kong sabi habang panay hawak ko sa dibdib.
"Wait for your next sub lang," 'di pangingibo niyang tugon.
Dahil siguro sa adrenaline kanina eh parang mas lalo akong ginahanang maglaro. Bago ako pumasok sa field ay lumingon lingon ako sa bleachers hanggang sa nakita si Rachel na nakaupo sa kanan mula saking tinatayuan at tila may mga kasama ito base sa mga kilos ng mga kamay ng katabi niya.
Nays advantage 'to. Medyo pressure din saking part dahil nakakalahati na ng second half ngunit masasabi kong isang milagro ang nangyari nang maitabla namin ang iskor sa mga huling minuto! Kaya umabot kami ng OT saka nagpenalty kick pa dahil kapwa walang nakatama kahit alam naming mas marami kaming attempt. Ambangis ng keeper nila ngayon ah. Pero kinapos tayo. Taob pa rin kami, lods.
"Nice game, brad," giit namin sa isa't isa habang nagkakamayan na kami sa kapwa namin players.
Hanggang sa tinipon na kami ni Coach para pagusapan ang nangyari't tila magbibigay ito ng panayam.
"Overall, we've made great progress this year bois at kahit 'di man tayo pinalad, masasabi kong proud ako sa inyo," sabay na nagpalak palakan ang mga staff ng team. "Congratulations sa lahat. See you sa next league team."
Ngunit bakas naman sa iba ang pagkadismaya sa naging resulta ng laro.
"Magantay na lang tayo muna dito habang hinihintay natin ang mga final announcements," saka na iniwan muna kami ng staff para magpahinga.
"Akalain mo yun, sinayang natin yung lead," nakayukayok na daing ni Justin, ang team captain at isa sa mga striker saming team, sabay na kumunot ng noo.
Napanganga si Terence, "Teka, a-anung ibig mong sabihin?"
"Tanungin mo si Lance," saka siya napadilat sakin nang pakutya.
Napatingin na lang ako kay Justin di na kumibo.
"Magsalita ka!"
"Ano bang sasabihin ko?" tugon ko nang parang pilit na binabaan ang tono.
![](https://img.wattpad.com/cover/290613313-288-k108965.jpg)
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...