Nagising na lang ako na medyo naliliyo pa, at saking pagmulat ay bumungad sakin ang isang pamilyar na malaparaisong lugar. Saking pagtayo ay natanaw ko mula sa malayo ang isang batang babaeng nakabraid ang buhok na nakaupo’t yumuyukyok sa kulay asul na sahig. Dinig na dinig ko ang kanyang paghikbi saking paglapit.
“Ok ka lang, bata?” tanong ko sa kanya’t saka ko inakbayan mula sa likod.
Umiling siya nang pagilid. Bahagya akong nasusukot sa mga nangyayari habang umikot sa paningin ko sa paligid na punumpuno ng tintang puti’t asul.
“Tao po?!” pasigaw kong tanong sa pagbabaka sakaling merong tutugon ngunit ni ibang tunoy wala akong marinig makaraan ang ilang sandali. “Baka may mahanap tayo rito.”
Naglibot libot ako saglit hanggang sa nakarinig ako ng panawag na tila nanggaling sa bata.
“Nakita niyo po ba si Kuya? Hinihintay ko po kasi siya eh.”
Saka ako lumapit sa kanya nang marinig ko yun. “Wala eh, pero darating ba siya dito ngayon?”
“Ewan ko nga po eh,” yumuko muli ang naturang bata.
“Siguro hatid na lang kita sa kanya,” pangumbinsi ko.
Bigla itong tumingala’t makikita ang kanyang mga puyo sa pisngi. “Sigurado po kayo?”
“Oo naman. Aalis naman ako, eh di naman kita pwedeng iwan dito.”
Tumayo siya’t yumakap sa baywang ko.
Ba’t tila may kakaiba akong nararamdaman? Yung tila bigla ka na lang nabuhayan ng loob. Yung tipong parang merong bumulong sa’yo’t nagbigay ng lakas ng loob at nangangakong ‘di ako mag-iisa.
Sa’king pangungumbinsi’y nagpasiyal kami habang nakikipagkuwentuhan. Ewan ko ba kung saan ‘to patungo?
“Ilang taon kana pala?” tanong ko.
“Nine po.”
Nanlaki ang mata ko. “Hala kaedad mo pala kapatid ko?”
“Dalawa po kasi kaming magkakapatid. Kaso si Kuya eh ‘di ko alam kung sa’n pumunta.”
“Eh kelan kapa dun kanina nakaupo?”
“’Di ko malaman kuya, kanina pa ata,” tumingala ito satin na napakamot sa kanyang pisngi. “Siya nga pala po, may tanong ako.”
Nagtaas ako ng kilay. “Ano yun?”
“Nananaisin niyo po ba ang isang buhay na walang paghihirap?”
Tila nanliit ang pagbuka ng mga mata ko nang marinig ko yun. ‘Di ko inaasahang sa ganung edad ay natutunan niyang lumingap ng mga ganitong tanong.
“Luh, ba’t ganyan ‘yung tanong?”
“May naalala lang kasi ako. ‘Yung mga panahong magkakasama pa kami kasi nina Nanay… buo. Kaso may mga pagkakataon ring may mga ‘di pagkakaunawaan. Minsan nagtatalo. Bakit kaya, marami ang tila nalalason ng poot at nakikipagkumpetensiya sa isa’t isa, kung bawat isa’y tao rin naman kagaya ko?”
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Roman pour Adolescents*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...