“Lance, parang anliksi mo ngayon ah. Anyare?” salubong nina Kiefer nang pumasok ako ng silid habang tila kumukunot ang pisngi sa kakangiti.
“Wala naman. Sadyang ganito naman talaga ako,” tugon ko habang inilalatag ko ang mga gamit ko sa upuan.
“Di kaya. Antamlay mo noon eh,” giit ni Paolo habang mapapansin ang ibang tumitingi’t kumikiling ang ulo.
Kinibit balikat ko na lang ang mga sinabi nila saka ngumiti ule at nilibot ko ang paningin hanggang sa natanaw ko si Clarissang nakaupo’t nagseselpon.
Napanganga ito’t muntik nang mabitawan ang phone nang lapitan ko’t kilitiin sa tagiliran. “Taena mo, Lance!... Naku pag nahulog to. Ikaw bumili ng bago, hala ka.”
“’Nu gawa mo?” saka ako nakiupo sa tabi niya.
“Nanunuod malamang,” sabay pagtanggal niya ng ginagamit niyang earphones.
“Teka naglunch ka na ba?”
“Aba syempre, ako pa ba?” saka siya napahawak sa dibdib at sabay na kumiling ng tingin.
“Anu ba yan?”
“Words of a Fool. Episode 18 nako eh.”
“Maya na yan,” bigla kong yaya saka ko hinatak ang palad niya. “Tara lakad tayo.”
“Sa’n ba?” tanong niya sabay titig sakin nang pinatay nito ang phone niya.
“Kahit sa’n lang.”
“Edi pumili ka muna,” nagsalpukan ang mga kilay niya sa sinabi ko.
“Eh, baka gusto mong pumili eh… Gusto ko lang talagang maglakad.”
“Tinatamad ako.”
“Sige na please,” palaro kong hinatak ang palad niya’t saka kiniliti ule sa tagiliran kaya napatayo ito sa pagkakaupo.
“Libre muna.”
“Ikaw sanang magsasabi niyan eh,” kutya ko.
“Kuripot ako eh. Don’t me.”
“Sige na,” saka ko hinawakan ule ang kamay niya’t hinila palabas ng room. “Bitawan mo nga ko, huy!”
Saka ko siya kiniliti sa likod ng leeg. Parang daga kung lumangitngit.
“Ehhh tama na. Basta’t tigilan mo na ako, ok?”
“Pa’no ‘pag sinabi kong hindi?”
“Ah hinahamon mo pala ako,” saka niya inipit ang kanyang labi.
At ginantihan niya rin ako hanggang sa nagkahabulan na naman kami. Sa pagkakataong ito’y ako na naman ‘yung hinahabol. Nagtago’t naupo ako sa may hallway ng second floor ng building namin habang kinukutuban ko ang kanyang pagakyat nang may lalaking dumaan saki’t saka kinuha ang sombrero ko. Agad akong napamura sa sarili kaya’t kumaripas ako ng habol sa mamang ‘yon. Hanggang sa nakaabot kami sa field at natanaw ko mula sa kanan si Clarissa na sumusunod sakin. Parang surprise drill lang naman ng jogging ‘to.
“Lance, hintay!” sigaw ni Clarissa na ilang dipa ang layo mula sakin.
Nang makita kong palapit na ako sa lalaking ‘yon ay inabot ko ang aking kamay hanggang sa tumalon ako sa kanya kaya kapwa kaming tumihaya sa may field.
“Nahuli mo nako pare,” pahikhik na tugon ni Terence nang tumayo ako’t sinuot ule ang sombrero. “Pasalamat ka eh bumagal ako.”
“Saklap naman,” sabay pagpunas ng mukha ko gamit ang hinalukad kong panyo sa bulsa. “Ang sabihin mo napagod ka.”
![](https://img.wattpad.com/cover/290613313-288-k108965.jpg)
BINABASA MO ANG
Scars of Silence
Teen Fiction*** 11/3/21 - 2/21/22 *** 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒆𝒏𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒐𝒏𝒄𝒆 𝒈𝒂𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒐𝒓𝒓𝒐𝒘? GENRE: Literary Fiction | Novella WORD COUNT: 50000+ LANGUAGE: Taglis...